Soup no. 7 huwag inumin, wa epek

Sa isang bansa na may kakulangan sa paggalang sa buhay ng sanggol sa sinapupunan, mukhang patuloy pa rin ang ganitong pananaw. Nananawagan ang Philippine Medical Association (PMA) sa publiko na huwag kumain ng tinatawag na soup no. 7 dahil ito ay kontrabado at masama sa katawan ng tao.

Ibinunyag ni PMA Vice President Dr. Leo Olarte na nakakarating na sa Pilipinas ang soup no. 7 at ibinebenta sa mga iligal natindahan.

“Itong soup number 7 po ay merong stem cell daw na pampalakas sa ating libido, sa ating sexual activity… Stem cell daw ito na nanggagaling sa mga aborted fetus na galing sa China,” aniya.

Ito ay nakalagay sa parang gamot o tablet na ihahalo sa mainit na tubig para maging sabaw.

Giit ni Olarte, bukod sa kontrabando ang soup no. 7 ay pekeng gamot din ito o walang bisa.

Kaya panawagan ng PMA sa publiko, na huwag magpaloko sa mga nag-aalok ng stem cell therapy galing sa fetus o hindi kaya’y sa hayop o halaman, bagkus ay lumapit sa mga lisensyadong doktor.

You May Also Like