‘Social stress model’, pinag-aaralan ng mga social workers

social workers

IMPORTANTENG maintindihan ang indibidwal na pangangailangan ng mga bata, pati na rin ang pangunahing protocol sa rescue operations, kaya naman kamakailan pinag-aralan ng higit sa 40 na social workers ang Modified Social Stress Model (MSSM).

Nagtipon ang mga social workers at mga service provider mula sa mga organisasyon ng gobyerno at

non-government organizations (NGO) upang pag-aralan din ang tungkol sa social care at mga update na rin sa iba’t ibang mga batas na may kaugnayan dito, tulad ng clearance para sa mga menor de edad na mangingibang bansa para mabawasan ang human trafficking.

Ipinakilala ng Social Technology Bureau ng Department of Social Welfare and Development ang MSSM upang malaman ang mga dahilan kung bakit nadadawit ang mga bata sa mga kondisyong mapanganib sa kanila.

You May Also Like