Smuggling at Droga, Talamak sa SBMA

 

NAGKAISA LABAN SA ILIGAL NA DROGA: Nagpakita ng lakas ang Nagkaisang Kapatiran para sa Bayan at Kabataan (NKBK) sa pangunguna ni Atty. Jay de Castro (pangalawa sa nakaupo mula sa kanan) sa pamamagitan ng paglulunsad ng forum laban sa iligal na droga na ang mga nagsipagsalita ay si Martin Dino, bagong chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Fr. Bobby dela Cruz ng Archdiocese of Manila. (Jay-Ar Ortonero)
NAGKAISA LABAN SA ILIGAL NA DROGA: Nagpakita ng lakas ang Nagkaisang Kapatiran para sa Bayan at Kabataan (NKBK) sa pangunguna ni Atty. Jay de Castro (naka-jacket na mat kurbata) sa pamamagitan ng paglulunsad ng forum laban sa iligal na droga na ang mga nagsipagsalita ay sina Martin Dino (naka-itim na polo-shirt), bagong chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Fr. Bobby dela Cruz ng Archdiocese of Manila. (Jay-Ar Ortonero)

Ni: Joel O. Amongo

 

MISTULANG ibinunyag ng magiging chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na talamak sa Subic Bay ang smuggling at iligal na droga nang ideklarang ang pagsupil  dito ang adyenda ng kanyang pamamahala sa nabanggit na ahensya ng pamahalaan.

Sa forum na inilunsad ng Nagkakaisang Kapatiran para sa Bayan at Kabataan (NKBK), idiniin ni Martin Dino na ang paglaban sa smuggling at iligal na droga ang siyang pangunahing tatanggalin sa SBMA.

Si Dino ay chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at miyembro ng PDP-Laban.

Bilang miyembro ng PDP-Laban, siya ay tumakbo sa pagkapangulo nitong nakalipas na halalan, ngunit umatras upang magbigay daan sa alkalde ng Davao City na si Rodrigo Duterte.

Nanalo si Duterte sa botong mahigit 16 milyon.

Tiniyak ni Dino na hindi makalulusot sa kanya ang anumang uri ng iligalidad, lalo na ang smuggling at iligal na droga.

Sa ipinunto ni Dino, nangangahulugang talamak ang pagpasok ng iba’t ibang produkto, kabilang na ang mga produktong petrolyo,sa Subic Bay nang walang ibinabayad na buwis ang mga negosyante at ginagamit din ang Subic Bay bilang ‘daanan’ ng iligal na droga papasok sa bansa.

Prayoridad din ni Dino ang pagbibigay ng trabaho sa mga volunteer na naghirap sa SBMA noong panahong iniwan ito ng mga Amerikano na aabot 100,000 lahat, kabilang na ang mga aeta.

Plano rin ni Dino na bigyan ng pabahay ang mga empleyado ng SBMA na hindi nangyari sa mga nakaraang administrasyon.

Ang forum na inisponsor ng NKBK ay may temang “Pakikiisa sa Kampanya ng Pangulong Duterte Laban sa Droga.”

Ang NKBK ay alyansa ng mga kapatiran tulad ng Alpha Phi Omega (APO), Tau Gamma Phi (TGP), Scout Royale Brotherhood (SRB), Alpha Kapa Rho (AKP), at CAPAZCEPA sa pamumuno ni Atty. Jay de Castro, ng TGP.

Si De Castro ay isa sa mga pangunahing kolumnista sa  People’s Tonight at abogado ng National Press Club (NPC).

Kaisa ng NKBK sa paglulunsad ng forum ang VACC, National Youth Commission (NYC), NPC sa pangunguna ni Paul Gutierrez (kolumnista sa People’s Tonight, at

Nagkakaisang Pilipino para sa Pagbabago (NPP).

Nagsalita rin si Fr. Bobby dela Cruz (TGP sa University of Sto. Tomas) ng kanyang karanasan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot tinawag na ‘bato’ noong kapahunan nila sa UST.             Ayon kay Fr. Dela Cruz, hindi lamang siya ordinaryong gumagamit ng ipinagbabawal, kundi naging big time drug dealer pa siya.

Aniya, hindi lang siya maraming pera kundi marami din siyang shabu, o bato.

Idinagdag pa ng pari na kahit marami siyang pera at shabu, walang katahimikan idinulot ang mga ito sa kanyang buhay.

Inamin din niya na high school pa lamang siya ay nakagamit na siya ng marijuana at ng kolehiyo na ay gumamit na rin  siya ng shabu.

Dahil sa tindi niyan drug dealer ay madalas siyang masakote ng mga pulis at makulong.

Sinabi rin Fr. Dela Cruz na minsan ay plinano niyang magpunta sa ibang bansa at pagbalik niya sa Pilipinas ay magpalit siya ng pangalan para maitago ang kanyang sarili, dahil ikinahihiya niya ang kanyang mga ginawa.

Tumino siya at nagkaroon ng katahimikan ang sarili nang makilala ang Panginoong Diyos.

Aniya, minsan ay mayroong  evangelistic na ginanap sa isang simbahan sa Maynila kung saan nakinig siya hanggang sa nagsimula ang pagbabago sa buhay niya.

Ito rin ang naging daan kung bakit siya naging pari.

Idiniin ni Fr. Dela Cruz na ang kanyang buhay sa nakaraan ay isang katibayan na walang magagawang mabuti sa buhay  ng tao ang iligal na droga.

Samantala, tiniyak ni Gutierrez na solido ang suporta ng NPC sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like