Sino ang susunod sa ‘oligarch-landlords list’ ni Paeng Mariano?

 

Ni: Boy Celario

 

 

TINIYAK ni Agrarian Reform Secretary Rafael “Paeng” Mariano na hindi siya nakapokus sa pamilya Cojuangco at Aquino sa tamang implementasyon ng repormang agraryo ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Maging ang mga oligarkiyang panginoong maylupa sa iba pang bahagi ng bansa na ilang dekada nang nagpapahirap sa mga magsasaka at manggagawang bukid ay pihadong ipamamahagi sa kanilang mga inapi at pinagsamantalahan, tugon ni Mariano.

Nitong Huwebes, nagdesisyon ang DAR na ipamahagi ang 358.22 ekstaryang bahagi ng halos 5,000 ektarya ng Hacienda Luisita.

Bukod sa nasabing napakalawak na tubuhang sumasakop sa pitong barangay sa Tarlac, hahabulin din ng DAR ang malalawak na lupain sa Central Luzozn, Negros, Eastern Visayas, Bicol Region, at Cagayan Valley, saad ng kalihim.

Ayon kay Mariano, ang paghahabol sa napakalawak na lupain ng mga oligarkiyang panginoong maylupa ay bahagi ng programa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Idiniin ni Mariano na nais ni Duterte na mawakasan na ang “paghahari” ng mga malalaking oligarkiyang panginoong-maylupa.

Si Mariano na anak ng manggagawang bukid ay matagal nang bahagi ng kilusang nakikibaka upang wasakin ang deka-dekadang pagkontrol ng mga panginoong maylupa sa mga napakalawak na lupain sa bansa.

Lubos siyang naniniwala na matagal na dapat magkaroon ng sariling lupang sinasaka ang mga magsasaka at manggagawang bukid.

Ang oligarkiyang panginoong maylupa ay nagkaroon at naging may-ari ng napakalalawak na mga lupa sa pamamagitan ng laway at koneksiyon sa pamahalaan, kaparis ng ipinakita ng kasaysayan kung paanong napunta kay Jose Cojuangco Sr. ang Hacienda Luisita at Azucarera de Tarlac noong 1958.

Naniniwala si Mariano na maipamamahagi ang mga malalawak na lupain sa mga magsasaka at manggagawang bukid sa loob ng limang buwan.

Hindi pinalawig ng kalihim kung paano ito mangyayari.

Basta ang sabi ni Mariano, “Yung mga malalaki muna ang aking uunahin para ipatupad ang repormang agraryo.”

Umaasa naman si Mariano na kikilalanin ng mga may-ari ng lupa.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like