Silencio

yenHindi mahulugan ng karayom ang Quiapo church noong Biyernes Santo. Kasama ko ang aking matalik na friendship na si Amy Lowell Mahiya. Bale 7 years na namin ginagawa ang pagbisita sa Quiapo tuwing Mahal na Araw at piyesta.

Naabutan namin nagpapatotoo ang isang doktora tungkol sa kanyang buhay –kung paano sya pinilit sa isang kurso na hindi nya gusto at kung paano sya nagalit sa kanyang ina at kung paano ang huli ay naghintay sa pagbubukas muli ng kanyang isipan.
Ang kanyang ina ay nasa mahigit 80 taong gulang na, bagamat hindi na nakakapagsalita at nakakarinig ang kanyang ina patuloy nya pa rin itong inaalagaan.

Naka-relate ako kasi ang mother ko namatay nung second year highschool ako, ni hindi ko man lang nasabi na mahal ko sya bagkus binulong ko nlng sa tenga nya habang nakaratay sa ospital. Alam ko naman na narinig nya kasi tumulo ang kanyang luha pagkatapos kong sambitin na ‘I love you mama’ kaya saglit lang binawian na rin sya ng buhay.

Simula non, hindi na ako nag-aaksaya ng panahon na ipakita, sabihin at iparamdam sa mga taong mahal ko kung gaano sila kahalaga kasi hindi natin alam kung hanggang kailan ang buhay natin.

Minsan talaga kailangan natin ng ‘silence’ para makapag-isip ng tama at para ang mabilis na inog ng mundo ay bumagal… kahit sa sandaling oras lang.

Katulad nitong nagdaang holiweek, ang dami kong n-arealize, at nakapagpahinga hindi lang ang aking katawan kundi pati na rin ang aking isip. Kasabay nito ang pagninilaynilay sa mga paghihirap na aking pinagdaanan at kung haggang saan ba ang sakripisyong kaya kong ialay sa paglilingkod sa Kanya.

Hanggang saan nga ba?…hanggat may hininga! Pero kailangan ko pa rin ng ibayong pagdarasal upang huwag panghinaan ng loob. Sabi nga pag ikaw raw ay naglilingkod, dalawa lang ang pwedeng kahinatnan, you will become ‘unbeliever’ or ‘believer’.

Ang 2013 holiweek ko ay naging masaya at makabuluhan, dito ko napagtanto na mas marami akong bagay na dapat ipagpasalamat sa Diyos dahil binigyan nya ako ng panibagong buhay at sa aking bawat pagkakadapa laging andyan ang Panginoon upang itayo tayo at gabayan…nawa’y huwag natin Siyang pagdamutan na tulungan tayo, bagkus papasukin natin Siya sa bawa pintuan ng ating buhay. (re4teraker@hotmail.com)

You May Also Like