Sige pa Pangulong Duterte (Ikalawa sa Serye)

 

Ni: Nelson S. Badilla

 

NANG maibalik ang Kongreso matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig laban sa Hapon noong 1945, inatupag ni Senador Manuel A. Roxas ang kanyang ambisyon na maging Pangulo ng Pamahalaang Commonwealth at maging unang Pangulo ng unang Republika ng Pilipinas, sa halip na kumbinsihin ang iba pang pulitiko na itayo ang  isang malayang pamahalaan ng Pilipinas, tutal idiin nila ni Osmena, Claro M. Recto, at iba pa na mahal nila ang Pilipinas.

Pero, determinado si Roxas na makamit ang kanyang ambisyon.

Kumbinsido siyang maganda ang oportunidad para sa kanya, sapagkat ang tanging kabangga niya sa pagkapangulo ay si Osmena.

Wala na si Manuel L. Quezon.

Wala pang balak si Recto na tumakbo.

Malakas ang loob ni Roxas, sapagkat solido ang suporta sa kanya ni Heneral Douglas McArthur.

Si McArthur, na mabango ang pangalan at imahe sa pamahalaan ng Amerika noong mga panahong iyon, ang naging tulay ni Roxas upang makumbinsi ang pamahalaan ng Estados Unidos ng Amerika na siya ang suportahan sa susunod na magiging Pangulo ng Pilipinas at huwag si Pangulong Sergio Osmena.

Dahil dito, ginawa ni Roxas ang lahat upang masiyahan si McArthur sa kanya at huwag mawala ang tiwala  sa kanya ng heneral at paniwala nito na ‘siguradong magiging tuta ng Amerika ang isang Pangulong Manuel A. Roxas kapag naitayo ang ikatlong Republika ng Pilipinas.

Nangyari nga ang hangad ni Roxas—sinuportahan ng Estados Unidos ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo laban kay Osmena, sapagkat higit na mapapakinabangan ng Amerika si Roxas kaysa kay Osmena.

Bilang panimulang diskarte, pinamunuan ni Roxas ang pagtatayo ng Liberal Party (LP), sa pamamagitan ng pagkalas sa Nacionalista Party (NP) kasama ang ilang kaalyado sa nasabing partido.

Nanalo si Roxas bilang ikatlo at huling Pangulo ng Pamahalaang Commonwealth.

Ang ginamit na isyu ng pangkat ni Roxas laban  kay Osmena ay ang talamak na korapsyon sa pamahalaan.

Idiniin ni Roxas na kailangan ng Pangulo ng bansa na maglilinis ng korapsyon sa pamahalaan.

Maka-Amerikano rin naman si Osmena, ngunit hindi bilib si McArthur sa kanya, kaya hindi niya ito inawit sa pamahalaan ng Amerika kahit dati silang magkakasangga nina Manuel Luis Quezon.

Kumbinsido si McArthur na mahinang lider si Osmena.

Kumbinsido ang heneral na hindi magagawa ng Pangulo ang paniwala nitong kayang gawin ni Roxas para sa interes at kapakanan ng Estados Unidos ng Amerika.

Nanalo si Roxas sa halalan matapos niya at ng kanyang tropa sa LP at aktibong suporta ng Amerika na palabasing ginawang gatasan ni Osmena at ng mga kapanalig nito sa NP ang Pamahalaang Commonwealth.

Si Roxas ang naging ikatlo at huling Pangulo ng Pamahalaang Commonwealth.

Pagkatapos nito, nakapokus na ang atensyon ni Roxas at ng buong LP sa napipintong ‘pagbibigay’ ng kalayaan ng Amerika sa Pilipinas, kasabay ng pagtatayo ng ikatlong Republika ng Pilipinas.

Hulyo 4,1946 nanumpa si Roxas sa harapan ng mga pulitikong Pilipino at representante ng pamahalaang Amerika.

Nang maging Pangulo, inuna muna niyang maglabas ng batas na magpapawalang sala sa lahat ng opisyal ng pamahalaan at mga pulitiko tulad nina Jose P. Laurel (lolo ni Peter Laurel ng Lyceum of the Philippines University), Benigno Aquino Sr. (lolo ni Benigno Simeon Cojuangco Aquino III), at Claro M. Recto (lolo ni Ralph Recto) na mapawalang sala sa krimeng isinampa laban sa kanila dahil sa paninilbihan sa ikalawang Republika ng Pilipinas na itinayo ng pamahalaang Hapon sa bansa.

Kaya ito inuna ni Roxas, sapagkat kabilang siya sa pina-imbestugahan at pinakasuhan ng administrasyon ni Osmena.

Ang nanguna saa imbestigasyon ay si Atty. Lorenzo Tanada na sa kalauna’y naging senador (pulitikong pinakamatagal na nanilbihan bilang senador sa Pilipinas).

Pagkatapos mapawalang sala ang kapwa niya pulitiko, nagpokus na si Roxas sa pagsisigurong mababaon ang poste at pundasyon ng interes at kaoakanan ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Halimbawa, tiniyak ni Roxas na maamiyendahan ang 1935 Konstitusyon upang makapasok ang probisyong mayroong patas (parity) na karapatan at kapangyarihan ang Amerika na kuhain, gamitin at paunlarin ang likas na yaman ng bansa para sa interes syempre ng Amerika.

Ipinatanggal pa ni Roxas ang pitong maka-kaliwang mambabatas, kabilang na si Luis Taruc, sa Kamara del Representantes matiyak lamang na walang sagabal sa plano ni Roxas at ng Amerika na maamiyendahan ang 1935 Konstitusyon pabor sa Estados Unidos.

Nagtalumpati si Roxas noong Abril 15,1948 sa Clark Air Base sa harapan ng mga opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas, mga pulitikong mga Pilipino, at ilang opisyal ng pamahalaan ng Amerika kung saan hinikayat niya ang mga Pilipino na suportahan nang todo ang Amerika.

Pagkaraan ng ilang oras, namatay si Roxas dahil inatake ito sa puso.

Hindi binatiko at siningil ni Roxas ang Amerika sa ginawa nitong mga krimen sa mamamayang Bangsamoro, Balangigan-on, at maging sa serye ng pambobomba nito sa Maynila pagkatapos na mapasuko ang Hapon kung saan umabot sa 200,000 ang mga namatay.

Sa halip, nangutang pa ang administrasyong Roxas sa Amerika upang magkaroon ng pondo para ibangonn ang Pilipinas.

Si Roxas ay naging instrumento ng Amerika sa kagustuhan nitong manatili sa  kanya ang Pilipinas, sa kabila ng pagbibigay nito ng kalayaan, sapagkat nagbayad ng utang si Roxas sa Amerika.

Napakasakit ng ginawa ni Roxas, sapagkat ang Pilipinas ang kanyang ipinambayad-utang sa Amerika makaraang tiyakin nito na maging Pangulo ng Pilipinas si Roxas.

Pinuri naman ng todo ng pamahalaang Amerika si Roxas, sapagkat para sa kanila ay pawang kagilas-gilas ang ginawa ni Roxas.

Iba ang tindig ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi nagpagamit si Duterte sa Amerika upang manatili ang interes nito sa Pilipinas.

Hindi papayag si Duterte na magpadikta nang magpadikta sa Amerika kaparis ng ginawa nito sa mga nakalipas na Pangulo ng bansa, kahit na ipapatay pa siya sa Central Intelligence Agency (CIA).

Namatay si Roxas bilang tuta ng Estados Unidos.

Namatay si Roxas bilang pangunahing taga-pagtanggol ng interest ng Estados Unidos ng Amerika sa Pilipinas.

Kung nanalo ang apo ni Roxas na si Mar Roxas  nitong nakalipas na halalan ay tiyak na ipagpapatuloy nito ang kasalukuyang kaayusan kung saan patuloy na ‘dinidiktahan’ ng Amerika ang Pilipinas.

Hindi bibirahin ni Roxas ang mga krimeng nagawa ng Amerika sa Pilipinas.

Hindi niya babatikusin ang maling pakikipagrelasyon ng Amerika sa Pilipinas.

Mabuti na lamang natalo si Roxas kay Duterte.

Kauna-unahan talagang Pangulo ng bansa si Duterte na hindi pag-atake sa Amerika ang kayang gawin, kundi ang pagtatapos ng hindi patas na relasyon ng dalawang bansa—ang  pagtatapos sa hindi patas at hindi makatarungang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos ng Amerika.

Ang mga mahihina at mahihirap na bansa habang kontrolado at pinakikialaman ng Amerika ay naging mauunlad at malakas na mga bansa nang matigil ang hindi patas at hindi makatarungang relasyon nila sa Amerika tulad ng China, Vietnam, North Korea, at Libya.

Idiniin nga ni Duterte na ano ngayon kung walang suporta ang Esrados Unidos ng Amerika. (Itutuloy)

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like