Shabu, halip na bomba natagpuan sa Pasay

SA halip na bomba, hinihinalang shabu ang natagpuan ng mga awtoridad nitong Martes ng umaga sa isang bus terminal sa lungsod nf Pasay.

Natagpuang naka silid sa isang abandonadong itim na bag ang naturang kontrabando na aabot sa anim na kilo.

Ayon sa isang saksi, iniwan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Grand Courier Davao Bus Terminal ang bag na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu. Ayon sa Pasay Police Station Anti-Illegal Drugs Unit, sinasabing iniwan ng suspek ang kanyang bag mula nang magsimulang mag inspeksyon ang mga pulis nang makatanggap sila ng tawag mula sa opisina ng terminal hinggil sa diumano’y isang bomb threat.

Nakaupo siya sa seat number 28. Pero nung nakitang dumadami ang pulis kasi may alleged bomb threat, bumabana ‘yung lalaki at iniwan ‘yung bag,” ani SPO1 Rolando David.

Dagdag pa ni David, “Malaking bagay ‘yun kasi ‘yung animn a kilo maraming masisirang buhay iyon eh.”

Hinihinalang sa labas ng Davao ang punta ng nasabing suspek, ngunit hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin siyang pinaghahanap ng mga otoridad.

Samantala, walang CCTV ang nasabing Bus Terminal at sira naman ang security camera ng barangay na nakakasakop sa nasabing bus terminal na inaasahan sanang magpapadali sa pagreolba ng kaso. (Edward Mico Joseph D. Agustin)

 

Propellerads

You May Also Like