SC hugas kamay nga ba?

yenIdineklarang ‘not unconstitutional’ ang Reproductive Health Law noong Abril 8, ngunit may mga ilang probisyong labag sa Saligang Batas na, ‘ika nga’y, pumilay sa naturang RH law.

Bakit nga ba ganoon ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman? Ginawa ngang ‘constitutional’ pero may idineklarang ‘unconstitutional’? Sino nga ba ang panalo at talo sa laban na ito?

May mga nagsasabi na pabor ito sa pro-RH, pero mayroon ding maraming nagsasabi na naging pabor ito sa kampong anti-RH.
Ano man ang maging kasagutan rito, marapat lamang na maipaabot at mailinaw sa taongbayan kung ano na ngayon ang kasama at hindi sa nasabing RH Law.

*****

Mabuhay ang bagong kasal! Binabati ko ang aking butihing kaibigan na si Rhowan Sabayan at ang kanyang, ngayo’y misis na, si Nelsa.

Nagpasakal, este, ikinasal pala sila noong Abril 8 rin. Nakakatawa nga, tanong ko sa kanila kung isasabuhay ba nila ang RH Law, sagot nila, isasabuhay nila kung ano ang turo ng Simbahang Katolika dahil iyon ang totoong turo ng Panginoon.

Pagkahaba-haba man ng prusisyon ay sa simbahan rin ang tuloy! Mabuti na lamang at nakinig ka sa amin ‘Lo at ipinaglaban mo ang nararamdaman mo para kay Nel. Saka na kami maniningil ng pautang. Maligaya kami para sa iyo.

*****

Nabasa o narinig n’yo na ba ‘yung siyam na buwan gulang na sanggol sa Pakistan na kinasuhan dahil sa diumano’y tangkang pagpatay sa isang lokal na opisyal?

Nakakapag-init talaga ng ulo, paanong ang isang inosenteng sanggol ay kayang pumatay?

Wala bang aksyon ang United Nations Human Rights Council tungkol dito? Hindi kayang ipaglaban ng isang bata o mga bata ang kanilang mga karapatan, ultimong ang mga magulang nitong nabanggit ay sa tingin ko walang kakayahan.

Nakakatawag pansin kung anong klaseng batas ang mayroon sa Pakistan. Sa Pinas nyo gawin ‘yan, ewan ko na lang kung sikatan pa kayo ng araw!

*****

Nais kong batiin ng maligyaang kaarawan ang aking mudra sa Abril 12. Salamat at isa ka sa mga may takot sa Panginoon dahil andito ako ngayon sa mundong ibabaw. Nawa’y patuloy mo pa rin akong subaybayan hanggang sa magka-pamilya ako, tulad ng palagi mong sinasabi noon.
(re4teraker@hotmail.com)

You May Also Like