Sariling proklamasyon, inisnab ni Binay

HINDI sumipot si Nancy Binay sa sariling proklamasyon bilang isa sa anim na bagong halal na senador.

Sa ginanap na proklamasyon kagabi sa Philippine International Convention Center (PICC), ipinaabot Atty. Donna Camitan, abogado ni Binay, na hindi dadalo sa proklamasyon ang kaniyang kliyente.

Sa pahayag ni United Nationalist Alliance spokesperson Tobias Tiangco, maging siya ay nabigla sa hindi pagdalo ni Binay sa kanyang proklamasyon.

Samantala ayun kay Comelc Chairman Sixto Brilliantes, hindi na kailangan pang dumalo ang nanalong senador sa proklemasyon.

Inihalimbawa nito ang hindi pagdalo ni Sen. Serge Osmeña sa proklamasyon noong 2010.

Kasamang iprinoklama ng National of board of Canvassers (NBOC) sina Grace Poe, Loren Legarda, Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano at Sonny Angara.

You May Also Like