Sardine fishing ban, inalis ng BFAR

Makaraan ang tatlong buwan, tinanggal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang sardine fishing ban sa dalampasigan ng silangan ng Sulu, Basilan Strait at Sibuguey Bay.

Mula ngayon, maaaring maglayag sa nabanggit na mga karagatan ang mga mangingisda para makapanghuli ng sardine fish.
Naipatupad noong Disyembre 2012 ang sardine ban sa nabanggit na mga lugar upang mabigyang daan ang pagpaparami ng binhing sardine fish sa lugar at madagdagan ang bilang nito doon.

Noong 2012, umabot sa 156,153,51 metric tons ng sardine fish ang nahuli sa  naturang lugar na mas malaki kaysa sa 146,835.66 metric tons na huli ng sardine fish noong 2011.

Samantala, tumaas ng mahigit na 35 porsiyento ang  sardine production sa Autonomous Region in Muslim  Mindanao (ARMM), mula 4,013.23 metric tons noong first quarter hanggang 6,380.79 metric tons sa ikalawang quarter ng 2012.

You May Also Like