Santo Papa, nagtalaga ng bagong opisina magrereporma ng Simbahan

ROME—Kamakailan lang ay nagtalaga ng walong cardinal mula sa iba’t-ibang bansa ang Santo Papa para matutukan ang pagreporma ng Simbahang Katolika.

Ang grupo na kinabibilangan ni Boston Cardinal Sean O’Malley ay magsusuri ng mga paraan upang baguhin ang saligang batas ng Vatican na Pasto Bonus, na nagtatakda ng mga panuntunan para sa pagpapatakbo ng Roman Curia o ang hierarchy ng Simbahan.

Habang walang pambatasang kapangyarihan ang nasabing grupo, ang pangunahing tungkulin ng opisina ay bigyan ng payo ang Santo Papa.

Nagsimula ang ideya mula sa suhestiyon noong ginaganap na General Congregations, isang serye ng mga pulong kung saan pinagsama-sama ang lahat ng mga cardinal bago inihalal si Jorge Mario Cardinal Bergoglio bilang Santo Papa.

Ang pito pang cardinal ay sina Giuseppe Bertello, ang kasalukuyang presidente ng Vatican City State governorate; Francisco Javier Errazuriz Ossa mula sa Chile; Oswald Gracias mula sa India; Reinhard Marx mula sa Germany; Laurent Monsengwo Pasinya mula sa Democratic Republic of the Congo; George Pell mula sa Australia; and Oscar Andres Rodriguez Maradiaga mula sa Honduras.

Si Monsignor Marcello Semeraro, isang Italyanong obispo, ang magiging sekretarya ng nasabing grupo.
Ang reporma ng Simbahang Katoliko ay bunsod ng mga iskandalong kinasasangkutan ng ilang pari at mga obispo gaya ng sekswal na pang-aabuso ng mga bata.

You May Also Like