Sampung katao patay dahil sa pagbaha sa Mauritius

MAURITIUS—Mahigit sampung katao ang napaulat na namatay dahil sa pagbaha nitong nakaraang Sabado at karamihan sa kanila ay nakulong sa isang underpass na papuntang Caudan Waterfront, isang komersyal na lugar sa Port Louis.

Ayon kay Prime Minister Navinchandra Ramgoolam nitong Linggo na sa Port Louis lamang, nakapagtala na nagkaroon ng 152 mm na buhos ng ulan sa loob ng dalawang oras.

“Dahil sa mabilis na pagpatak ng tubig ulan ay humantong sa trahedyang pagkawala ng maraming buhay at mabigat na pinsala sa ari-arian,” ani Ramgoolam.

Kahapon, Lunes, ay dineklarang day of mourning sa bansang Mauritius.

You May Also Like