Salvaging, Uso sa QC?

TAPOS KA: Ang nasa litrato ay isa sa mga napatay sa Quezon City dahil sa paniniwalaang 'salot' sa lipunan bunga ng mga nagawa na niyang krimen noong nabubuhay pa. Sa halip na itinutuwid sa sibilisado at makabuluhang pamamaraan inililigpit ang mga tulad niyang 'biktima' ng dekadenteng lipunan upang makalaya sa dekadenteng lipunang ating ginagalawan, salvaging o pagpatay ang kasagutan. (Rafael Taboy)
TAPOS KA: Ang nasa litrato ay isa sa mga napatay sa Quezon City dahil sa paniniwalaang ‘salot’ sa lipunan bunga ng mga nagawa na niyang krimen noong nabubuhay pa. Sa halip na itinutuwid sa sibilisado at makabuluhang pamamaraan inililigpit ang mga tulad niyang ‘biktima’ ng dekadenteng lipunan upang makalaya sa dekadenteng lipunang ating ginagalawan, salvaging o pagpatay ang kasagutan. (Rafael Taboy)

Ni: Paula Antolin

“Patay na naman!,” sigaw ng isang matandang babae habang kumakaripas ng takbo nang makita ang isang biktima ng salvaging sa Quezon City.

“Ikalima na ‘yan,” saad naman ng isang babae na nakakita rin sa bangkay.

“Mukhang nauuso ang salvaging sa QC,” banat ng isang tambay sa lugar kung saan nakita ang bangkay ng isang pinaniniwalaang biktima ng salvaging.

Ayon sa ulat ng Police Station 4 ng Quezon City Police District (QCPD), dakong 4:00 N.U. nang matagpuan sa isang lugar sa kahabaan ng Pacida St. sa Brgy. Gulod sa Novaliches.

Ang pangalan ng biktima ay Rogelio Imperial na higit kilala sa bansag na “Nognog.”

Isang tama ng bala sa dibdib at sinakal pa sa leeg ang pinaniniwalang ikinamatay ni Nognog.

 


Si Nognog (23 anyos) daw ay kilalang “snatcher” at “adik” sa kanilang pamayanan.

Sa tabi ng bangkay ni Nognog ay mayroong nakitang cardboard na ang nakasulat ay “drug adik” at “snatcher ako huwag tularan.”

Si Nognog ay ikalima na sa mga pinaniniwalaang snatcher sa Quezon City na sinalvage.

Kamakalawa, dalawang katao rin ang nakita sa magkahiwalay na lugar sa Edsa ang natagpuang nakahandusay sa kalsada ang duguang bangkay.

Ang kanilang katawan ay binalot ng tape.

Noong Linggo rin ay dalawang biktima ng salvaging ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lungsod.

Isa sa Edsa at  isa naman sa Commonwealth Avenue.

Nang tanungin si Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, district director ng QCPD, hinggil sa serye ng salvaging sa lungsod, sagot ni Eleazar ay paiimbestigahan niya ang serye ng slavaging upang matukoy kung ssinu-sino ang nasa likod ng ‘parusang kamatayang ito.’

You May Also Like