Sagrado sa Pilipino ang ating Ina

May kasabihan tayo – “libre ang panaginip” o “libre ang mangarap.” Kung kaya’t sisikapin natin na ibahagi sa inyo ang mga panaginip o pangarap ng ordinaryong Pilipino sa munting bahagi ng pahinang ito.

Nawa’y magsilbing paalala, inspirasyon o dahilan para makapagmuni-muni tayo sa mga bagay-bagay na bahagi ng ating pang araw-araw na buhay.

Tulad na lang halimbawa ng pagiging matriarchal society ng Pilipinas.

Tutuo ba na sa karamihan ng pamilyang Pilipino … ang ama ang hari, pero ang ina ang alas?

Karaniwa’y dinadaan sa biro ang katagang ito ngunit napaka-makatotohanan ano po?

Aminin na natin na napakalaki ng impluwensiya sa atin ng mga babae sa ating buhay tulad ng ating mga nanay at lola. Kaya nga ang daming Pilipino na Mama’s Boy eh.

Mapalad tayo na mataas ang tingin at respeto natin sa ating mga kababaihan. Di tulad ng ibang bansa.
Masisisi ba nila tayo kung napakahusay ng ating ina at lola, ng ating mga guro na nagturo sa atin mula pre-school, ng ating mga yaya at kasambahay, at pati marahil ang mga nars na nag-alaga sa atin kung tayo ay may sakit?
Nakita naman ninyo, saan mang lupalop ng mundo … pinupuri ang kanilang kakayahan at paraan ng pag-aalaga. Very affectionate kasi ang ating kababaihan.

Alam ko na ang nasa isip mo … “ang ating ina, isusubo na lang … ibibigay pa sa atin.”

Marami diyan imbes na sarili ang isipin at bumili ng kung anu-ano para sa kanya tulad ng mga bagong damit, make-up, sapatos, atbp. ay mananatiling napaka-simple para lang may pambiling pasalubong para sa mga anak.

Sigurado ako, bawat isa sa inyo may mga kuwento tungkol sa kadakilaan ng inyong ina – kung paano siya nagmalasakit, kung paano niya isinakripisyo ang sariling kapakanan para sa inyo at inyong pamilya.

Kaya nga mahal na mahal natin ang ating mga ina.

Lalo na’t “Honor thy Father and thy Mother” ang kabilin bilinan ng sampung utos.

At masakit sa atin kung babastusin, iinsultuhin, at lalapastanganin ang ating minamahal na ina.

Tama po ba? Manhid na lang siguro ang hindi maaapektuhan.

Kung tayo’y nasasaktan … ganun din kaya si Hesus sa kanyang ina?

You May Also Like