Sabah isyu, iakyat sa korteng int’l– Kamara

Nananawagan ang mga kongresista sa kamara na iakyat ni Pangulong Benigno Aquino III sa International Court of Justice (ICJ) ang isyu ng Sabah claim.

Pormal nang naghain ng isang resolusyon sa Kamara upang himukin ang Pangulo na kumilos para maiakyat sa ICJ ang paghahabol ng Pilipinas sa Sabah.

Sa ilalim ng House Resolution 3043, ang pagkilos ng liderato ng Kamara at ng buong miyembro nito ay himukin si Pnoy na huwag maging pro-Malaysia at huwag maging adversarial sa paninindigan ng Sultanate of Sulu.

Alinsunod na rin ito sa desisyon ng Korte Suprema noong Hulyo 16, 2011 na buhay o aktibo at maaaring ipursige ang claim ng bansa sa naturang isla.

Nakapaloob din sa resolusyon na ang ICJ ang pinakamahusay na venue para resolbahin ang isyung paghahabol ng Pilipinas sa Sabah dahil parehong miyembro ng lupon ang Pilipinas at Malaysia.

You May Also Like