Sa Wakas: Rehabilitasyon sa mga Drug Addict, Binigyan na ng Pansin

 

 

Ni: Roy Bersales

 

MAHIGIT 700,000 drug addict ang sumuko mula sa tinatayang 3 milyon.

Umabot sa ganitong bilang ang nalulong sa iligal na droga kahit tuluy-tuloy ang panawagan at ginagawa ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot, ngunit ngayon lamang napasuko ang mga tinaguriang ‘biktima ng lipunan.’

Ito ay dahil desidido ang kasalukuyang administrasyon na resolbahan ang problema ng bansa hinggil sa iligal na droga kung ikukumpara sa mga nakalipas na panahon.

Naniniwala ang pamahalaan na kailangan nang baguhin ang buhay ng 3 milyong drug addict, kaya naglabas ng Executive Order No. 4 si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa nasabing EO, nagtayo ng task force ang pamahalaan upang tutukan ang pagpapatayo at pagsasaayos ng itatayong mga drug rehabilitation center sa iba’t ibang kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bansa.

Ang itinalagang pinuno ng task force ay ang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – sa ngayon ay si Ismael “Mike” Sueno.

Ang ikalawang mga pinuno ay ang kalihim ng Department of Health (DOH) at ang chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Ang mga kasapi ay kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at representatibo mula sa Office of the President (OP).

Ang kalihim ng Department of National Defense (DND) at AFP chief of staff ay parehong kasapi rin ng task force, ngunit ang kanilang papel ay tungkol lamang sa kampo ng militar na ginawang mga rehabilitation center.

Nakasaad sa EO 4 na pangunahing layunin ng task force ay “maglaan ng epektibong mekanismo, o mga hakbang, upang muling maisama sa lipunan ang mga indibidwal na naging biktima ng…iligal na droga at iniasa [ang buhay] sa iligal na droga sa pamamagitan ng paggamot at tuluy-tuloy na rehabilitasyon sa kanila.”

Idiniin sa EO 4 na ang DOH ang mamamahala sa mga drug rehabilitation center, kabilang ang mga nasa loob ng kampo-militar.

Sa ngayon, matatapos na ang P50 Milyong halaga ng rehabilitation center sa loob ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Ang nasabing pera ay tulong ng People’s Republic of China.

Nasa 800 ang kapasidad ng nasabing bagong rehabilization center.

Ang mga sumukong drug addict ay 734,231 katao hangang nitong Oktubre 10.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like