Sa Wakas Nakasuhan din si Ex-Mayor Caspillo

Ni: Joel O. Amongo

UMABOT sa 19 na taon ang pag-iimbestiga ng Office of the Ombudsman bago makakuha ng supisiyenteng ebidensiya upang iakyat sa Sandiganbayan ang kaso ng dating alkalde ng Nueva Ecija.

Ayon sa Office of the Ombudsman, si dating Mayor Quintino Caspillo, Jr. ng  Talugtug, Nueva Ecija ay nararapat lamang na kasuhan ng falsification of public documents dahil sa pagtalaga nito sa kanyang pamangkin sa pagiging Municipal Planning and Development Officer ng pamahalaang lokal noong 1997.

Idiniin ng Office of the Ombudsman na si Caspillo ay nagsinungaling sa kanyang pagsasabi na hindi niya kamag-anak si Elmer Caspillo na itinalaga niya sa nasabing posisyon.

 

 

Pamangkin ng dating alkalde si Caspillo.

Ibinasura naman ng Ombudsman ang Motion for Reconsideration (MR) na inihain ni Mayor Caspillo dahil kulang ito sa merito.

Napatunayan ng Ombudsman na itinalaga ni Mayor Caspillo si Elmer Caspillo.

Batay sa 13-pahinang resolusyon ng Office of the Ombudsman, ang dating alkalde ay lumabag sa Seksiyon  79 ng Local Government Code kung saan nakalagay “no person shall be appointed in the career service of the local government if he is related within the fourth civil degree of consanguinity or affinity to the appointing authority.”

You May Also Like