SA WAKAS: Albuera Mayor Espinosa, Ikinulong na

 

KINAKAUSAP NG HENERAL: Si Albuera. Leyte Mayor Ronaldo Espinosa ay kinakausap ni Director General Ronald dela Rosa sa harapan ng media makaraang sumuko noong Agosto ang alkalde sa hepe ng Philippine National Police (PNP).
KINAKAUSAP NG HENERAL: Si Albuera. Leyte Mayor Rolando Espinosa ay kinakausap ni Director General Ronald dela Rosa sa harapan ng media makaraang sumuko noong Agosto ang alkalde sa hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ni: Denz Laguipo

 

TULUYAN nang natapos ang maliligayang araw ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Jr. dahil ikinulong na siya sa sub-provincial jail ng Leyte dahil sa mga kasong kriminal na isinampa sa kanya.

Dinakip si Espinosa ng mga pulis sa pangunguna ni Senior Superintendent Franco Simborio, hepe ng Philippine National Police (PNP) sa Leyte, sa ganap na 10:50 ng umaga mula sa istasyon ng pulisya sa Albuera.

Sa istasyon ng pulis si Espinosa dinampot ng mga alagad ng batas, sapagkat ilang linggo na rin siyang nag-oopisina sa istasyon ng pulisya, dahil humingi siya ng proteksyon sa pulisya, sapagkat mayroon daw banta sa buhay niya.

Si Espinosa ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Carlos Arguelles ng Regional Trial Court Branch 14 ng Baybay City Martes ng hapon.

Naglabas ng warrant si Arguelles makaraang irekomenda ng Prosecutors’ Office ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban kay Mayor Espinosa at sa anak na si Rolando “Kerwin” Espinosa Jr. dahil sa paglabag umano sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Hindi nahuli si Espinosa Jr. dahil nagtatago ito hanggang ngayon.

Si Espinosa Jr. ay tinumbok ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa na pangunahing drug lord ng Eastern Visayas Region.

Pinaniniwalaang maraming pulitiko (tulad ng isang magandang kongresista na ang asawa ay naging alkalde nitong nakaraang eleksyon matapos ang ilang pagtakbo bilang alkalde) ang nakinabang sa mga Espinosa, kapalit ng proteksyon nila sa mag-ama, partikular na sa batang Espinosa.

Sa nakalipas na kampanya, naglipana ang tarpaulin sa Albuera na humihimok sa mga botante ng  nasabing bayan na iboto si Espinosa dahil siya ay tahasang tutol sa iligal na droga.

Ngunit, nang unang banatan sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulitikong sangkot sa iligal na droga ay unang ‘tinamaan’ si Mayor Espinosa at anak na si Kerwin.

Ang mga kaso ng mag-ama ay batay sa operasyon ng pulisya sa bahay ng mga Epinosa na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 11 kilo ng shabu na P88 Milyon ang halaga at pagkakasamsam ng maraming matataas na kalibre ng mga baril habang si Mayor Espinosa ay nasa kustodiya ng PNP Natinal Headquarters sa Quezon City makaraang sumuko ito kay Director General Ronald dela Rosa.

Kumbinsido ang prosekyusyon na mayroong “probable cause” (sapat na dahilan) laban sa mag-amang Espinosa, kaya naghain sila ng kasong kriminal sa korte.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like