‘Sa Tarlac na Lang Kayo Pumunta’—Galvante

 

 

'BASURAHAN': Mistulang basurahan na lamang ng mga luma at hinatak na mga sasakyan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lugar na ito sa Lungsod Pasig. Ngunit tila hindi na kinukuha, o pahirapang kunin ng mga may-ari ang kanilang sasakyan. Sa susunod sa Tarlac na kayo, banggit ng pinuno ng Land Transportation office (LTO) na si Asec. Edgardo Galvante. (Rafael Taboy)
‘BASURAHAN’: Mistulang basurahan na lamang ng mga luma at hinatak na mga sasakyan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lugar na ito sa Lungsod Pasig. Ngunit tila hindi na kinukuha, o pahirapang kunin ng mga may-ari ang kanilang sasakyan. Sa susunod sa Tarlac na kayo, banggit ng pinuno ng Land Transportation office (LTO) na si Asec. Edgardo Galvante. (Rafael Taboy)

Ni: Marites Badilla

 
IDINEKLARA ng hepe ng Land Transportation Office (LTO) na ang mga sasakyang naka-impound sa LTO at sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay ililipat na sa Tarlac.
 
Ani Asec. Edgardo Galvante, ang layunin nito ay makatulong sa pagsasaayos ng daloy ng mga sasakyan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila upang maiwasan ang trapik.
 
Ang pasya ni Galvante ay malinaw na mensaheng makapagkukumbinsi sa mga motorista na titiyakin nilang maayos ang kanilang mga sasakyaan bago bumiyahe, kaysa tumirik sa gitna ng kalsada na nagiging isa sa dahilan ng paninikip ng daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila.
 
Batay sa isang scientipikong pag-aaral, higit P2 Bilyon ang nasasayang sa ekonomiya ng bansa bunga ng napakalalang trapiko.
 
Nagpasya si Galvante na tanggalin na ang mga sasakyang matagal nang naka-impound sa LTO at MMDA compounds upang malinis ang dalawang lugar sa operasyon ng mga ito.

You May Also Like