Sa iyong pagkakaalam, bakit may kampana ang Simbahang Katolika?

kampanaAng tunog ng kampana ay bahagi na ng buhay ng Pilipino – pagbungad ng araw hanggang magtakipsilim. Kung malapit ka sa isang simbahan nakatira, malamang ito ang alarm clock mo. Mayroon ding mga espesyal na pagkakataon kung saan kumakalembang ang mga ito, tulad ng paghudyat na may bago nang Santo Papa. Matatandaang pinatunog ang mga kampana sa mga simbahan — kahit madaling araw pa — nang hirangin si Jorge Mario Cardinal Bergoglio bilang bagong Santo Papa nitong Marso.
Sa iyong pagkakaalam, bakit may kampana ang Simbahang Katolika?

 

“Para malaman kung nagsisimula na ang misa.” ~ Dominic Barrios

“’Pag may misa, kapag may emergency or occasion pinapatunog ang kampana.” ~ Bebe Jak

“Pampagising sa umaga.” ~ Yen Ocampo

“Hudyat ng pagsisimula ng misa, at nagsisilbing orasan ng lugar.” ~ Rafael Vicho

“Sa palagay ko ang kampana ay tagapagtawag, tagapaghudyat, tagapagbuklod at tagapagpaalala.” ~ Anita F. Alisaca

You May Also Like

  • Jisme

    Dito sa Dasmarinas, Cavite, madaling araw pa lang ay pine-perwisyo na ang mga mamamayan ng maingay na kampana ng simbahan. Medieval na pag-iisip ang pag-iingay ng kampana upang magbigay hudyat sa kung anu-ano.