Roxas hinamong umatras sa kandidatura si Duterte

Hinamon ni Mar Roxas si Rodrigo Duterte sa presidential debate sa Pangasinan ngayong gabi na umatras sa kandidatura sa pagkapangulo kung mapapatunayang may mga nakinabang nga sa PhilHealth sa Davao.

Ito ang naging reaksyun ni Roxas, standard-bearer ng Liberal Party, nang pasinungalingan ni Duterte, presidential bet ng PDP-Laban, ang pahayag n’ya na may mga tumanggap ng mga benepisyo ng PhilHealth sa Davao.

“I do not believe you,” wika ni Duterte. “You made so many promises and your term in the government, lahat halos wala kayong naibigay sa tao. Puro kayo daldal, puro announcement, puro lahat. Wala implementation. It is all corruption.”

Ayon kay Roxas, may mga datos at bidyo na magpapatunay na may mga taga Davao ngang natulungan ng PhilHealth sa kanilang pagpapagamot.

Handa ito umano na ilabas bukas ng umaga ang mga ebidensyang nabanggit kung tatanggapin ni Duterte ang hamon.

“Mayor Duterte, I dare you,” bwelta na Roxas. “Kung may mapakita akong tao, pangalan, ospital na talagang natulungan sa Davao City, ikaw ba ay aatras.”

Hindi naman ito sinagot ni Duterte.

Si Duterte ay naging alkalde ng lungsod ng Davao sa nakalipas na higit na dalawampung taon. (Oliver Samson)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

You May Also Like