Rosanna Roces: ‘Naging Bugaw Ako sa Bilibid’

 

ROSANNA ROCES
ROSANNA ROCES

Ni: Denz Laguipo

 

TAHASANG itinanggi ng dating aktres na si Rosanna Roces na siya ay naging kabit ng isang bilanggong drug lord sa New Bilibid Prison (NBP) sa Lungsod ng Muntinlupa.

Idiniin ni Roces, Jennifer Adriano sa tunay na buhay, na kahit kailan ay hindi siya naging kabit ni Vicente Sy.

Ang pahayag ni Roces, sa kanyang facebook account, ay reaksyon niya sa ibinunyag ni Nonile Arile sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Kamara del Representantes hinggil sa kalakasan ng bentahan ng iligal na droga sa NBP noong ang kalihim ng Department of Justice (DOJ) ay si Leila de Lima na ngayon ay senador na.

Si Arile, na dating pulis, ay nakakukong sa NBP dahil sa kasong “kidnapping” at “murder.”

Ani Roces, kaya siya nagpupunta kay Sy, alyas Enteng, dahil nagdadala siya ng mga pokpok kay Sy kapalit ang P25,000 bilang bayad sa kanya.

Tanggapin, o hindi, binibigyan pa rin siya ng P25,000 ni Sy, pag-amin ni Roces.

Nahinto ang pagdadala niya ng babae dahil iyung huling babae na dala niya mayroon palang sakit.

Aniya, kung naging kabit siya ni Sy ay pihadong nabayaran na niya iyong kaso niya sa GMA Network na P2 Milyon ay baka producer na siya ngayon.

Kaso hindi, tugon ng dating aktres.

Ang pagsasapubliko ni Roces ng kanyang naging raket nang mawala siya sa showbiz ay lumilitaw na isang kumpirmasyon na may nagaganap na prostitusyon sa NBP.

Matatandaang minsang inamin ni Justice Secretary Vitallano Aguirre II na talamak ang prostitusyon sa NBP.

Ang prostitusyon ay hindi dapat ‘nakapsok’ sa NBP kung tapat at seryosong hinihigpitan ang pagbabantay dito ng mga opisyal ng NBP at Bureau of Corrections (BuCor).

Si Sy ay isa mga nasaksak nang magkagulo sa NBP nitong ang nakalipas na linggo.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like