RONNIE DAYAN, LOVER NA, BAGMAN PA NI DE LIMA

 

Sec. VITALLANO AGUIRRE II
Sec. VITALLANO AGUIRRE II
Sen. LEILA DE LIMA
Sen. LEILA DE LIMA

Ni: Denz Laguipo

 

TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na si Ronnie Dayan, ang dating driver at lover ni Senadora Leila de Lima ang “bagman” ng senadora

sa milyun-milyong nakolekta nito mula sa ilang drug kingpin na pawang mga nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ang kumalat na balita bago mag-eleksyon nitong Mayo ay galing sa mga drug kingpin ng NBP ang pondong ginamit ni De Lima sa kanyang pagtakbo bilang senador ng Liberal Party (LP) nitong nakalipas na eleksyon.

RONNIE DAYAN
RONNIE DAYAN

Sabi ni Justice Sec. Vitallano Aguirre II ang pangalan ni Dayan bilang bagman ay lumitaw sa mga affidavit na ipinasa sa Department of Justice (DOJ) nina dating National Bureau of Investigation (NBI) deputy director Rafael Z. Ragos at NBI agent Jovencio P. Ablen Jr., at maging si Herbert R. Colangco, na sinasabing isa sa mga drug kingpin sa NBP na nakakulong sa nasabing pambansang piitan dahil sa kasong robbery.

Ipinasilip ni Vitallano ang kopya ng mga sinumpaang affidavit ng tatlo.

Tahasang itinanggi ni De Lima na siya ay kumita ng kahit magkanong halaga mula sa mga drug kingpin mula sa NBP.

Ngunit, hindi itinanggi ni De Lima ang kanyang naging kaugnayan kay Dayan.

Si Dayan ay taga-Pangasinan.

Sumikat si Dayan nang ibunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang driver na ito ni De Lima ay siya ring kanyang kasintahan sa matagal na panahon.

Ayon sa balita, si Dayan ay nagsimulang manilbihan kay De Lima noong nagpapraktis pa lamang ang huli sa pagiging abogado.

Nagpatuloy ang pagtatrabaho ni Dayan kay De Lima mula nang maging hepe ang huli ng Commission on Human Rights (CHR) hanggang italaga siyang kalihim ng DOJ ni dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III noong Hulyo 2010.

Si Dayan ay pamilyadong tao.

Si De Lima ay matagal nang hiwalay sa asawang abogado.

Sa kanyang affidavit, inilahad ni Ragos na tinawagan siya ng isang “Ronnie Dayan” kung saan sinabihan siya nito na dalhin ang “limang manok” sa bahay ni De Lima sa Parañaque City.

Sabi pa ni Ragos na sabi ni Dayan na ilagay daw sa itim na bag ang P5 Milyon.

Ang ibig sabihin ng limang manok ay P5 Milyon—isang milyon bawat ‘isang manok.’

Ang bahay ni De Lima ay nasa kanto ng Laguna Bay Drive at Subic Bay Drive sa South Bay Village, Parañaque City.

Ang P5 Milyon ay galing kay Peter Co, banggit ni Ragos sa affidavit.

Si Co ang tinukoy ni Pangulong Duterte na pangunahing drug kingpin na nakakulong sa NBP nang dahil sa iligal na droga.

Idiniin ni Ragos sa kanyang affidavit na kasama niya si Ablen nang ibinigay niya ang itim na bag mismo kay Dayan noong Nobyembre 24,2012 makaraang pagbuksan sila nito ng gate ng bahay ni De Lima noong araw na pumunta sina Ragos at Ablen.

Pinadiretso ni Dayan ang dalawa sa loob ng bahay kung saan nag-aabang na sa pintuan si De Lima na naka-duster pa.

Ibinigay ni Dayan ang itim na bag kay De Lima na tinanggap naman nito, diin ni Ragos sa affidavit.

Si Ragos ay itinalaga ni De Lima bilang Officer-In-Charge ng Bureau of Corrections (Bucor) noong Nobyembre 2012.

Sabi n Ragos na ang pangunahing ipinagawa sa kanya ni De Lima ay manmanan at imbestigahan ang kriminalidad na nagaganap sa NBP.

Noong Disyembre 2012 ay tinawagan uli ni Dayan si Ragos upang magdala uli ng pera para kay De Lima, patuloy ni Ragos.

Idiniin ni Ragos na mukhang mayroon kota ang mga drug kingpin sa NBP kay De Lima.

Sa hiwalay na sinumpaang affidavit, kinumpirma ni Ablen ang parating kay De Lima na P5 Milyon.

Ibinunyag pa ni Ablen na P100,00 ang hatag ng bawat drug lord para kay De Lima.

Sa affidavit naman ni Colangco, inamin nitong nagpapalabas sila ng 5 kilos ng shabu bawat isang linggo upang kumita para sa kota nila kay De Lima.

Si Colangco ang pumapangalawang drug kingpin ng NBP, banggit dati ni Duterte.

Sabi ni Vitallano, ang mga sinumpaang affidavit nina Ragos, Ablen, ay Colangco ay sapat at matibay nang mga ebidensiya upang idiniin si De Lima sa mga kasong kriminal.

Matatandaang nangunguna ang mga pangalan nina De Lima at Dayan sa drug matrix na isinapubliko ni Duterte ilang araw na ang nakalilipas.

Sa nasabing matrix, ang mga pangalang kasama ng dalawa ay pawang mga kilalang tao sa Pangasinan, kasama na si Kongresista Amado Espino Jr. ng ika-5 Distrito ng lalawigan.

Nang lumabas ang balita, kaagad na tahasang itinanggi ni Espino ang akusasyon ni Duterte.

Aniya, handa siyang sumailalim sa imbestigasyon upang mapatunayang hindi totoong kasama siya sa drug matrix ni Duterte.

Si Espino ay siyam na taong naging gobernador bago bumalik sa pagiging mambabatas nitong Hunyo ng taong kasalukuyan.

Ang pumalit kay Espino bilang gobernador ng Pangasinan ay ang anak niyang si Amado “Pogi” Espino III.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like