Rodriguez, Rizal madadaluyan na ng malinis na tubig

Ang access sa malinis na tubig ay nananatiling problema ng maraming lugar sa bansa.
Ang access sa malinis na tubig ay nananatiling problema ng maraming lugar sa bansa.

MADADALUYAN na ng sapat at malinis na inuming tubig ang mga residente ng Rodriguez, Rizal.

Ito ay makaraang magsagawa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS RO) ng information caravan sa naturang lugar na nasasakupan ng Manila Water sa pagdiriwang ng World Water Week.

Sa naturang caravan, tiniyak ng tanggapan na angkop ang serbisyong natatanggap ng mga residente sa lugar, may malinis na maiinom na tubig at sapat ang water pressure sa mga lugar na sakop ng naturang water concessionaire.

Kaugnay nito, hinikayat ni MWSS Regional Office Laboratory Specialist Evelyn Agustin ang mga residente ng Rodriguez, Rizal na gamitin ang tubig mula sa Manila Water dahil hindi lahat ng water refilling stations doon ay pasado sa microbiological, physical at chemical tests batay na rin sa inilabas na anunsyo ng Metro Manila Drinking Water Quality Monitoring Committee ng Department of Health. (RP)

You May Also Like