Rizaleño, hinihikayat mag blood donation

PATULOY ang pag-iimbita ng Rizal Blood Council (RBC) sa mga taga-Rizal na mag-alay ng dugo para sa mga kababayang nangangailangan nito.

May mga blood donation programs ang RBC, isang non-government organization, sa Cainta at Angono, Rizal para sa mga nais magbigay ng dugo at tumulong sa pagpapadali ng access dito.

Misyon ng naturang organisasyon na lumahok sa kusang-loob, non-profit at lokal na koleksyon ng dugo alinsunod sa R.A. 7719 o kilala bilang “National Blood Service Act.” [Rica Canon]

You May Also Like