Rice industry sector, lumagda sa covenant kontra rice smuggling

FARMERSLumagda sa isang kasunduan ang iba’t ibang sektor sa industriya ng bigas sa bansa upang sama-samang labanan ang malawakang rice smuggling sa bansa.

Ang covenant na sinaksihan nina Agriculture Secretary Proceso J. Alcala at National Food Authority (NFA) Administrator Orlan A. Calayag na tinawag na “Covenant of the Multi-Sectoral Groups of the Rice Industry” ay pinangunahan ni 2nd district Nueva Ecija Rep. Joseph Gilbert F. Violago na kasamasa kampanya ng pamahalaan para mawakasan ang pagpupuslit ng bigas sa bansa.

Sa ilalim ng kasunduan, ang rice industry multi-sectoral groups na kinabibilangan ng mga magsasaka, rice traders, millers, processors at retailers mula sa Luzon ay nagkaisa na huwag bumili at magbenta ng mga puslit na bigas.

Kaugnay nito, nanawagan din ang mga ito kay Pangulong Benigno Aquino III na magpalabas ng isang public declaration bilang suporta sa Anti-Smuggling Drive at otorisahan ang Department of Agriculture na mabusisi ang Customs area na sinasabing may mga alingasngas ng smuggled rice na nakaimbak at dapat na mai-discharge.

Nais din ng rice industry major stakeholders na magpalabas si Pangulong Aquino ng kautusan sa Department of Interior and Local Government (DILG), sa Philippine National Police (PNP) at sa Philippine Coast Guard para kontrolin ang pagpasok ng mga imported rice at gawing ang pamahalaan sa pamamagitan ng NFA ang tanging importer ng bigas sa bansa.

Nakasaad pa sa kasunduan na ang lahat ng smuggled rice ay kailangang kumpiskahin ng Bureau of Customs habang ang NFA warehouses ang imbakan nito na may kaukulang bayad. Kapag ang nakumpiskang bigas ay bubuksan sa bidding, ang NFA ay bibigyan ng kapangyarihan na tanggihan o magsagawa ng pagtapat sa offer para sa highest bidder.

Bilang karagdagang safety nets at bilang isang mid-term solution sa smuggling, ang mga rice millers at processors ay nagkasundo na maglagay ng kanilang brand name/s na rehistrado sa NFA upang mabilisang mabubuking ang mga puslit na bigas at masino ang accountabilities.

You May Also Like