RH LAW SHOWDOWN, KASADO NA!

MGA MUSLIM NAGPAHABOL NG PETISYONG ANTI-RH

MANILA – SA kabila ng paghahanda ng magkabilang panig para sa simula ng oral arguments tungkol sa R.A. 10354 o RH Law sa darating na Hulyo 9, nagpahabol naman ng isa pang petisyon na ibasura ang nasabing batas ang isang Muslim group kamakailan.

Handa na naman ang mga mamamayang para sa buhay na magtipon-tipon sa harap ng Korte Suprema sa darating na Hulyo 9 para sa simula ng oral debates tungkol sa RH Law.
Handa na naman ang mga mamamayang para sa buhay na magtipon-tipon sa harap ng Korte Suprema sa darating na Hulyo 9 para sa simula ng oral debates tungkol sa RH Law.

Ayon kay Al Tillah, pangulo ng Parhimpunan Sin Islam o Islamic Society, at Joe Kashim, isang political economist, labag sa batas ng Islam ang R.A. 10354.

Nakasaad sa Surat Al-’Isrā’ 17:31, “And do not kill your children for fear of poverty. We provide for them and for you. Indeed, their killing is ever a great sin.” (Sahih International).

Dahil dito, ang petisyon na kilala na ngayon bilang General Record (GR) 207563, ay naglalayong ipawalang-bisa ang RH Law dahil hindi akma ang nasabing batas sa autonomya ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon naman kay Atty. James Imbong, ang unang naghain ng petisyon laban sa RH Law, ang bagong petisyon ay hudyat na ang partisipasyon ng mga mamamayan sa buhay ng pamayanan ay ‘buhay.’

“…It sends a message to the government (the respondents) that civic participation is alive and accountability for lawful disbursement of public money is a serious policy issue,” paliwanag ni Imbong.

Maliban dito, ang apat na pangunahing argumento na ihahain laban sa RH Law ay ang tungkol sa autonomya ng lokal na pamahalaan at patas na proteksyon sa ilalim ng batas; ang karapatan sa buhay at kalusugan; ang likas na batas o natural law at ang responsibilidad para sa darating pang angkan; at ang kalayaan sa relihiyon, pananalita, at ng akademya.
Para sa marami, ang magiging desisyon ng Korte Suprema ay isang palatandaan ng kasarinlan nito.

Ayon kay Senator Vicente “Tito” Sotto III, makikita ang kalayaan ng Kataas-taasang Hukuman bilang hiwalay na sangay ng pamahalaan “kapag nadesisyunan nila ang halaga ng kaso at hindi dahil sa isang internasyunal na kasunduan ng departamentong ehekutibo.”

Bilang huling paghahanda bago ang oral debates, magdiriwang ng misa si Episcopal Commission on Family and Life head, Bishop Gabriel Reyes sa Hulyo 9, ika-9 ng umaga sa Archdiocesan Shrine ng Nuestra Señora de Guia sa M.H. del Pilar Street, Ermita, Manila.

You May Also Like