RH Law popondohan kahit pa may pagpapaliban ng Korte Suprema

ROI_9622

Kontra sa ipinaguutos ng Korte Suprema isinama pa rin ng administrasyon sa panukalang badyet nito para sa taong 2014 and pagpopondo sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Law na nauna nang ipinagutos ng Kataastaasang Hukuman na ipagpapaliban ng implementasyon.

Matatandaan nito lamang nakaraang Hulyo 16 ipinagtibay ng Korte Suprema ang pagpapalawig ng walang takdang panahon ang pagpapaliban ng naturang batas na ngayon ay nakabinbin sa Korte Suprema.

Sa botong 8-7 pabor sa pagpapalawig ng Status Quo Ante Order (SQAO) sinabing nagkaisa ang mga mahistrado sa pagpapalawig ngunit sa kabila nito hindi naman naging hadlang ang pagbibigay ng pondo sa batas na hindi pa malinaw ang kahihinatnan.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) kanilang hinihingi ang kabuuang 87.1 Bilyon na pondo para sa Department of Health (DoH) na tumaas ng mahigit 45.5 porsyento mula sa nakaraang taon na itinuturing na pinakamalaking pagtaas ng badyet sa lahat ng ahensya. Kabilang na dito ang pondo para sa RH law na nasa ilalim diumano ng “maternal health care.”

Kumpara sa Department of Education na may panukala lamang na kabuuang 44.6 bilyon naglalayon na pondohan ng DoH ang sabsidiya para sa humigit kumulang na 14.7 milyong indigent na pamilya. Samantalang may 18 bilyon lamang ang para sa pagpapaayos ng mga pasilidad sa mga kanayunan.

Sa kabila ng pagkakabinbin ng RH law sa Korte Suprema maaring maipatupad ang ilan sa mga probisyon ng naturang batas dahil nakapaloob na ito sa ilang mga tungkulin ng ahensya ng pagkalusugan. Sa kanilang Universal Health Care o Kalusugang Pangkalahatan na ipinagtibay noong isang taon nakapaloob dito ang pagbibigay ng serbisyong ‘family planning’ na obligasyon ng ating bansa upang matupad ang Millennium Development Goals (MDG) na hinihingi ng United Nations sa ating bansa.

You May Also Like