RH Law hindi makatutulong sa ekonomiya

Mahigit isang taon matapos ang pagpasa ng RH Law, patuloy pa rin ang protesta laban sa nasabing batas tulad ng katatapos pa lamang na "A March for Life" rally noong Marso 22 sa Maynila.
Mahigit isang taon matapos ang pagpasa ng RH Law, patuloy pa rin ang protesta laban sa nasabing batas tulad ng katatapos pa lamang na “A March for Life” rally noong Marso 22 sa Maynila.

MANILA — Muling iginiit ng isang ekonomista na hindi ang pagbawas sa populasyon ng Pilipinas ang sagot upang umunlad ang bansa.

Ayon kay Economics professor Gary Olivar, Trustee ng Foundation for Economic Freedom, maraming dapat gawing reporma sa ekonomiya ng bansa para sa pag-unlad at hindi na kailangan ang Reproductive Health Law na kokontrol sa populasyon.

Kabilang na sa reporma ng economic provisions ay ang sa halip na land reform lamang ang ipatupad para sa mga magsasaka, dapat silang bigyan ng dagdag na pondo para sa kinakailangang pataba sa lupa at ang pagpapalawak ng farm to market roads upang mapataas ang kanilang kita.

“Sa simula pa lamang ang RH Law masama na pinanggalingan. Remember, marami tayong natanggap na report na para lamang maipasa ang RH Law ay may mga sinuhulang pulitiko sa dalwang kapulungan ng Kongreso. Kung ganito ang pinanggalingan ng batas, masama talaga ang kahihinatnan nito,” dagdag ni Olivar.
Sa isang panayam sa Radio Veritas, ipinaliwanag ni Olivar na nakapaloob sa naturang batas ang paniniwala na ang tanging solusyon upang tumaas ang kita o kabuhayan ng mga Pinoy ay kinakailangang bawasan ang dami ng tao sa bansa.

“Madaling gawin ‘yan e. Pumatay na lang tayo ng kapwa [at] tataas din ang per capita,” ayon kay Olivar.
Idiniin ni Olivar na kaugnay sa industriya ng agrikultura ang pag-unlad ng bansa “Halimbawa, sa halip na land reform lamang…bigyan sila ng abono, dagdag na farm to market roads para tumaas ang kanilang ani,” paliwanag pa nito.

Una nang nilagdaang batas ng Pangulong Aquino ang RH Law noong Disyembre 2012, ngunit, naka Status Quo Ante Order (SQA) ito hanggang ngayon dahil sa iba’t-ibang petisyon laban sa pagpapatupad nito ang dinidinig ng Korte Suprema kung saan magaganap ang deliberasyon sa Abril 8 sa Baguio City.

(Veritas)

You May Also Like

  • Sang-ayon ako sa punto ni Prof. Olivar na ang pag-unlad ng ating bansa ay kaugnay ng industriya ng agrikultura sapagkat ito ang pinagkukunan ng ikabubuhay ng nakararaming kababayan natin. Kapag napag-ukulan ito ng wastong ayuda ng gobyerno at sapat na pondo para sa makabagong teknolohiya at kagamitan, uunlad ang kabuhayan ng mga nasa probinsiya. Maaaring makahimok ito sa mga kababayan nating nasa kalunsuran upang magbalik sa kani-kanilang bayan at sa halip na MAKIPAGSAPALARAN sa Kamaynilaan ay hangarin ang kabuhayang MAY KATIYAKAN. Hindi solusyon ang RH Law sa kahirapan, manapa’y magdaragdag ito ng problema sa kalusugan ng kababaihan sapagkat may masamang epekto ang mga ito sa katawan. Kung walang “nakatagong panganib” ito, bakit kailangang humantong sa panunuhol ang tumatangkilik dito? At kung sa nakaraang mga panahon (20 o 30 taon) ay naging batas ito at ipinatupad, saan kaya manggagaling ang milyon nating mga kababayan na naghahanapbuhay sa ibang bansa, na siya ngayong nagpapasok ng malaki sa ating ekonomiya? Sapat at magaganda ang mga batas natin (liban sa RH Law), ang kulang lamang ay ang MALASAKIT sa bayan AT KATAPATAN NG MGA NANUNUNGKULAN sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Ang bilang ng tao sa anumang panahon at saan mang lugar ay ang Diyos lamang ang may kapasiyahan…kung ilan, saan, at kailan Niya ito babawasan, Siya lamang ang may kapangyarihan…sapagkat sa Salita Niya nagmula ang lahat at sa Kanya rin magwawakas. (Genesis 1:27-31), “at silay pinagpala. Wika niya, “Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito.” (hindi ang bawasan)…at ang kapangyarihang ibinigay ng Diyos sa tao upang pamahalaan ang iba pang nilalang ay sapat para itaguyod ang buhay. KAYA LAMANG…NAGMAMALABIS ANG MGA NAMAMAHALA NA BINIGYAN NG KAPANGYARIHAN, AT ITO ANG SANHI NG PROBLEMA NG BAYAN…HINDI ANG BILANG NG MAMAMAYAN.