Reklamong vote-buying ikakasa kay Roxas, Poe

Naghaing ng petisyon sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) na imbestigahan ng vote-buying sina Mar Roxas na dating Interior and Local Government secretary at ngayon pambato ng Liberal Party (LP) sa pagkapangulo at Senador Grace Poe na tumatakbo din sa nasabing puwesto.

Naghaing ng 2-pahinang petisyon sa Law department ng COMELEC si senatorial candidate Greco Belgica na imbestigahan ang naturang mga kandidato na umano’y namimili ng mga boto.

Ayon pa kay Belgica ang kanyang basehan ay ang mga kumakalat na viral videos sa social media na makikitang may ipinamimigay na envelop na naglalaman umano ng pera sa panig ni Mar Roxas sa ginanap na LP rally sa Pikit, North Cotabato. Habang si Poe naman, ayon pa din kay Belgica, ang naging basehan ng kanyang petisyon laban sa senadora ay ang mga reklamo mismo ng ilang supporters ni Poe na hindi daw nila natanggap ang ipinangakong allowance na P500.

Positibo si Belgica na ito ay sapat na dahilan upang tuluyang imbestigahan ng COMELEC ang kaduda-dudang gawain ng dalawang kampo. Si Belgica ay tumatakbong senador sa ikalawang pagkakataon sa darating na halalan sa Lunes, Mayo 9 . (Pamela Sue)

You May Also Like