Rekisito sa Libreng Buwis ng mga Unibersidad, Binawasan ng BIR

 

 

 Ni: Marites Badilla
 
ANIM na lang mula sa dating labing-isa ang kailangang ipasa ng mga unibersidad at kolehiyo na exempted sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
 
Ang mga libre sa pagbabayad ng buwis ay ang mga unibersidad at kolehiyo na ang kategorya ay ang mga paaralang non-profit at non-stock.
 
Ang 11 rekisitong nakasaad sa Revenue Memorandum Order No. 20-2013 ay ginawang anim na lang sa RMO 44-2016 na inilibas kamakalawa ng BIR.
 
Ayon sa BIR, inisyu ang RMO 44-2016 bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang bureaucratic red tape upang bumilis ang transaksiyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga nagsisipagbayad ng buwis.
 
Maganda sa larangan ng pamamahala ang mabilis na proseso dulot ng pagbabawas sa mga rekisitong hinihingi ng BIR bago aprubahan ang mga non-profit at non-stock na mga unibersidad at kolehiyo na exempted sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan, sapagkat nakatitipid ito ng oras, panahon, pera, at lakas at mga ideyang ginugugol sa daloy ng proseso.
 
Ang ipapasa na lamang ng mga paaralang exempted sa buwis ay ang mga sumusunod:
 
·       Orihinal na kopya ng application letter para sa pag-isyu ng desisyon sa tax exemption;
 
·       Certified true copy ng Certificate of Good Standing na inilabas ng Securities and Exchange Commission;
 
·       Orihinal na kopya ng Certification under Oath ng Treasurer kung saan nakasaad ang kita, mga binabayaran, sahod o anumang bayarin sa trustees, mga opisyal;
 
·       Certified true copy ng Financial Statements ng kumpanya sa nakalipas na taon;
 
·       Certified true copy ng government recognition/permit/accreditation upang makapag-operate bilang unibersidad, o kolehiyo na may pahintulot ang Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DepEd), o Technical Education and Skills Development Authority (TESDA);
 
·       Orihinal na kopya ng sertipikasyon ng paggamit ng rekord ng taunang kita at assets ng treasurer, o ng katumbas na non-stock at non-profit na paaralan.
 
Tanging mga unibersidad at kolehiyo na desisyunan ng BIR na exempted saa pagbabayad ng buwis bago sumapit ang Hunyo 30,2012 ang tanging mag-papasa ng anim na rekisito upang malaman kung ang mga ito ay libre pa rin sa pagbabayad ng buwis.
 
Iyong exempted mula Hunyo 30,2012 ay mananatiling exempted alinsunod sa RMO No. 20-2013

You May Also Like