QC Councilor Anjo Yllana, bakit ayaw mong magpa-drug test?

Ni: Joel O. Amongo

Bise-Alkalde Joy Belmonte
Bise-Alkalde Joy Belmonte

ITO ang tanong ng mga nagtatrabaho sa pamahalaang lokal ng Quezon City kay District 5 Councilor Anjo Yllana hanggang ngayon mula noong magsagawa ng drug test ang mga konsehal ng Sangguniang Panglunsod ilang linggo na ang nakalilipas.

 
Ayon sa ilang staff ni Yllana pumayag na makausap ng reporter na ito sa kondisyong hindi babanggitin ang kanilang pangalan, hindi nagpapadrug test si Yllana.
 
Nagdududa tuloy sila na posibleng gumagamit si Yllana ng ipinagbabawal na gamot.
 
Diin nila, kung talagang hindi positibo sa droga si Yllana ay dapat magpadrug test siya.
 
Nabatid ng Tapat News online at bi-monthly newspaper na nakangiting pumasok si Yllana, kasama ang iba pang mga konsehal maliban kay District 1 Councilor Victor Ferrer Jr., sa Executive Lounge ng Konseho.
 
Ngunit, nang ianunsiyo ni Bise-Alkalde Joy Belmonte na mayroong drug test kaya sila ipinatawag, ay hindi nagtagal lumabas si Yllana mula sa Executive Lounge, sabi ng sources ng Tapat News.
 
Kinabukasan, hindi pumasok si Yllana dahil masama umano ang pakiramdam niya, patuloy ng sources.
 
Si Ferrer ay absent noong araw na iyon, ngunit kinabukasan ay nagpadrug test siya.
 
Idiniin ni Ferrer na walang dahilan upang hindi siya magpadrug test, sapagkat hindi naman siya adik.
 
Sabi ng ilang staff ni Yllana, wala nang sakit si Yllana, pero mula noon hanggang ngayon ay hindi na nagpa-drug test ang konsehal.
 
Kumalat ang istoryang ito sa city hall at maging sa Distrito 5, na siyang ipinagtaka nilang lahat, dahil ang pagkakaalam nila ay hindi nagsashabu si Yllana, ngunit ayaw na ayaw nitong magpadrug test.
 
Coun. Hero Bautista
Coun. Hero Bautista

Samantalang si baguhang District 4 Councilor Hero Bautista ay nagpa-drug test.

 
Sa kalaunan ay umamin si Bautista na adik siya.
 
Nagsimula na umanong magparehab si Bautista.
 
Mistulang news block-out ang balita tungkol kay Yllana, sapagkat walang gustong magsalita hinggil dito.
 
Maging si Belmonte ay umiiwas na ilantad at talakayin ito sa media.
Naniniwala ang ilang taga-Quezon City Hall na mayroon nasa likod ni Yllana na malakas sa itaas kaya hindi ito napilit na magpa-drug test.

You May Also Like