Pumatay sa Opisyal ng BIR, Nahuli ng QCPD

 

Ni: Denz Laguipo

 

PIHADONG sa bilangguan magpapasko ang pumatay sa opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong Nobyembre makaraang madakip ang suspek nitong hapon ng Biyernes sa Quezon City.

Ang suspek ay kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar na si Allan Manalo.

Idiniin ni Chief Supt. Eleazar na si Manalo ang pangunahing suspek sa pagpatay kay BIR Makati regional director na si Jonas Amora.

Si Amora ay namatay noong Nobyembre 21 makaraang siya ay nasa loob ng kanyang sasakyan na noo’y binabagtas ang Kalayaan Avenue sa Quezon City.

Namatay agad si Amora, subalit nabuhay ang kanyang tsuper.

Ayon kay Chief Supt. Eleazar, hindi hold-up ang motibo ng pamamaslang kay Amora, dahil naiwan sa loob ng kanyang sasakyan ang P300,000.

Si Manalo ay aksidenteng nadakip ng mga awtoridad sa Batasan Hills ng lungsod makaraang isumbong ng isang residente sa Batasan Hills dahil sa paglalabas ng baril at pananakot sa mga residente.

Nang sitahin ng mga pulis kung mayroon itong dokumento kaugnay sa hawak nitong kalibre 45, walang naipakitang anumang papel si Manalo.

Kaya, dinampot si Manalo at agad dinala sa himpilan ng pulisya.

Si Manalo ay nakasuot ng yuniporme ng sundalo nang siya ay dakpin ng mga awtoridad.

Nang tingnan ang nakaraan ni Manalo, lumitaw na siya ay kasapi ng CAFGU, bayarang mamatay-tao, at kamukhang-kamukha niya ang litrato ng pangunahing suspek sa pagpaslang kay Amora.

Tahasang itinanggi ni Manalo na siya ang pumatay kay Amora.

Ngunit, kahit saang anggulo tingnan ay talagang ang mukha ni Manalo at ang mukha ng taong nasa litrato na pangunahing suspek sa pagpatay kay Amora ay iisa.

Sasampahan ng kasong murder, attempted murder, at possession of illegal firearms si Manalo sa Martes dahil holiday sa Lunes.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like