Pulitika sa Pinas, Isa nang Septic Tank—Villegas

IDINIIN ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pulitika sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon ay maaaring tawaging “septic tank.”
 
Ibig sabihin, tambakan ng mga napakabahong dumi ng tao.
 
Kaya nagkaganito, ayon kay Villegas, ay dahil ginagamit na lamang ng tao, partikular ng  mgaa pulitiko ng pulitika para sa sariling kapakanan, sa halip para sa mamamayan at bansa.
 
Ngunit, inilinaw ng arsobispo na ang ganitong pangyayari ay hindi naganap sa isang iglap ng mata, kundi sa mabagal na prosesong may kinalaman sa pag-abandona sa kabutihang ipinagkaloob ng Diyos.
 
“Ang administrasyon at pananagutan ay dapat palaging magkahawak-kamay,” diin ni Villegas.
 
“When accountability is forgotten and transparency is frowned and the administrators become bosses and the mine becomes a septic tank,” paliwanag ni Villegas.
 
Ito ay resulta sa isa pang ‘dumi’ na kanyang tinawag na “governance without godliness” o ang pamamahala ng walang kabanalan.
 
Aniya, ang Simbahan at Estado ay dalawang magkahiwalay na bagay, ngunit parehong iginagalang.
 
Ngunit ang relasyon ng Diyos sa tao ay dalawang bagay na iba ang konsepto at usapan, patuloy pa ng arsobispo.
 
Inihalimbawa ni Villegas ang gobernador ng Pangasinan bilang kanilang gobernador at si Kristo bilang nag-iisang Hari.
 
Idiniin ng arsobispo, kapag walang etika ang pamamahala, dito nagsisimulang bumaho ang pulitika.
 
Ang huling ‘dumi’ na pinunto ni Villegas sa kanyang pinarating na mensahe ay ang “eloquence without example” o ang ganda ng pananalita nang walang halimbawa.
 
Ang tinutukoy niya rito ay ang mga politiko ay mayroon dapat konkretong pinagbabasehan sa bawat talumpati na kanilang ipapahayag sa mga tao.
 
Ang mga talumpating ito, ayon sa arsobispo, ay dapat magbigay ng  inspirasyon upang mabuhayan ang mga tao at mailabas sa kanila ang natatagong integridad.
 
Sa kasalukuyang pagkakapit ng pulitika sa dumi, nakikita pa rin ang pag-asa para sa pagsunod ng parehas na pananaw ng mga Pilipino at mga Katoliko na maaaring magresulta sa vigilance, na ayon kay Villegas, ay ang malaking gantimpala para sa kalayaan.
 
“Dreaming of a better world, we will offer our critique and denounce error but kindly look at us, not as enemies wanting governments to fall, but as brethren and friends wishing politics to succeed,” tugon pa ni Villegas. (Belle Orlina)

 

Propellerads

You May Also Like