Pulis, sinakripisyo ang sarili para sa iba

AFGHANISTAN—Isang pulis ang nagsakripisyo ng sarili upang mailigtas ang maraming tao sa isang suicide bomber nitong Sabado.

Napatay sa bomba si police officer Murad Khan at walong menor de edad na kabataan sa edad na pito hanggang labingpito, habang dalawa ang sugatan.

Tinangkang pasukin ng suicide bomber and isang baranggay kung saan ang pwersa ng coalition ay nagsasagawa ng pagsasanay kasama ang pwersa ng pulisya sa Afghanistan, pero nang makarating sa tsekpoint, naharang siya ni Khan.

You May Also Like