Pulis-probinsiya, masisibak sa PNP dahil sa droga

PALITAN NG TRABAHO: Ipinasa ni Arturo Cacdac Jr. ang pamumuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kay Isidro Lapena. Nangako si Lapena na aktibo ang PDEA sa kanyang pamumuno laban sa iligal na droga na kampanya ng administrasyong Duterte sa loob ng anim na buwan. (Rafael Taboy)

Ng: Tapat News Team (TNT)

INAASAHANG masisibak mula sa Philippine National Police (PNP) ang isang pulis makaraang mahuli ito kasama ang apat niyang kasapat sa drug trafficking ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Tacloban City nitong Hulyo 10.

Ayon kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña, si Police Officer 3 Dennis Torrefiel at ang apat niyang kasapakat ay nahuli sa buy-bust operation nitong 6:00 N.G. Hulyo 10 sa Barangay 64, Bliss, Sagkahan, Tacloban City.

Sabi ni Lapeña, ang mga kasapakat ni 38-anyos na si Torrefiel ay sina Nolasco Balintong (63), Romeo Molo (50), Ronaldo Cabantac (48), at Emilio Mendanio (32).

Lahat sila ay residente ng Tacloban City.

Ani Lapeña, kinasuhan sina Torrefiel ng kasong kriminal dahil sa paglabag sa Seksiyon 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Seksiyon 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Si Torrefiel ay nakadestino sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 8 ng PNP.

Hindi pumalag si Torrefiel at ang apat na kaasamahaan niya nang pagdadamputin ng mga tauhan ng PDEA.

Ayon sa PDEA, 10 gramo lamang ng shabu ang nakuha kina Torrefiel na ang halaga ay P80,000.

You May Also Like