Pulis-Antipolo, Ipinaligpit ng Protektor ng Sindikato ng Droga

 

Ni: Denz Laguipo

 

NAMATAY and isang pulis na nakadestino sa Antipolo City, matapos itong pagbabarilin ng isang suspek.

Siyam na bala ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni PO2 Donny Palsis, ayon sa imbestigador.

Dalawa ang tinitingnang anggulo ng krimen, ayon sa imbestigador.

Una, posibleng ipinaligpit si Palsis ng mga protektor ng sindikato ng iligal na droga, sapagkat may mga kilala umano si Palsis na mga protektor ng sindikato ng iligal na droga, ayon sa kanyang asawa.

Ikalawa, maaari ring mga kasamahan niya sa asosasyon ng mga tsuper tricycle, sapagkat ayon sa may-bahay nito ay nagpaplano si Palsis na tumakbong pangalawang pangulo sa nalalapit na halalan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-aabang ng masasakyan si Palsis bago mag-2:00 p.m. nang biglang may humintong motorsiklo sa kanyang harapan na may nakasakay na isang tao at pinagbabaril si Palsis.

Lumaban si Palsis, ngunit hindi niya tinamaan ang suspek, sapagkat biglang pinatakbo nito ang sinasakyang motorsiklo.

Sabi ng isang testigo sa pulisya, napatigil sa isang eskinita ang suspek, marahil nataranta.

Naiwan ang motorsiklo, samantalang nakatakas ang suspek.

Hawak ng pulisya ang motorsiklo na inaasahang makatutulong sa paglutas ng krimen.

Kapag nangyari ito, saka matutukoy ang tunay na dahilan ng paglikida kay Palsis.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like