Publiko imbitado sa eksibisyon ng mga relikiya ng santo

relics

QUEZON City—Inaanyayahan ng Ateneo College Ministry Group (ACMG) at ng Ateneo School of Humanities Dean’s Office ang publiko sa isang linggong eksibisyon ng mga relikiya ng mga santo mula Pebrero 24 hanggang 28.

Modelo ng pananampalataya

“This relic exhibit aims to promote awareness of the perfect models of faith and service which is in line with the organization’s vision to introduce Ignatian values and spirituality through the true models of Jesuit faith,” pahayag ng ACMG.
Ang nasabing eksibisyon ay “in honor of the saints whose stories serve as models of Christian life”.
Ayon sa ACMG, ito ang kauna-unahang eksibisyon ng mga relikiya na gaga-napin sa komunidad ng Ateneo.
Makikita sa eksibisyon ang mga relikiya ng mga Heswitang santo tulad ng tagapagtatag ng Society of Jesus (SJ) na si St. Ignatius of Loyola, “Apostle to the Indies” St. Francis Xavier, at Blessed Bernardo de Hoyos.
Ayon sa event organizer na si Meynard Espinosa, kasama din sa nasabing eksibisyon ang mga relikiya ng ebanghelista at iba pang kilalang santo.

Ano ang relikiya?

Ayon sa Catholic Encyclopedia, ang salitang “relic” ay galing sa salitang Latin na “reliquiae”.

Ang relikiya ay tumutukoy sa “bahagi ng katawan, damit na nananatiling banal na alaalala ng isang yumaong santo.”

Ang salitang relikiya ay ginagamit na bago pa man ang paglaganap ng Kristiyanismo.

Ang pamimitagan sa mga relikiya ay hindi lamang kaugalian ng mga Katoliko kung hindi ng iba ring relihiyon.
Isang pahayag mula sa Konseho ng Trent ang nagpapaliwanag nang lubos sa paniniwala at katuruan ng Simbahang Katoliko tungkol sa mga relikiya.

Ayon sa nasabing utos, “the holy bodies of holy martyrs and of others now living with Christ” at maraming pakinabang ang ibinabahagi ng Diyos sa pamamagitan ng mga relikiya.

Maliban sa mga relikiya, kasama din sa eksibisyon ang mga icon at mga rebulto, dagdag ni Espinosa.
Ang eksibisyon ay makikita sa Peter Faber Hall Function Room sa loob ng Lo-yola Schools grounds ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa Quezon City.

Pamumunuan ng pangulo ng ADMU na si Fr. Jose Ramon T. Villarin, SJ ang seremonya ng cutting of the ribbon sa pagbukas ng eksibisyon sa Pebrero 24, sa ganap na 9:00 ng umaga. [Raymond A. Sebastián]

You May Also Like