Publiko, hinihikayat na manalangin kay San Miguel Arkanghel

MANILA — Dahil sa patuloy na kaguluhan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa karahasan at korupsyon, minabuti ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ibalik ang paghingi ng tulong kay San Miguel Arkanghel pagkatapos ng misa sa lahat ng mga simbahan sa bansa.

Sa isang liham na ipinadala sa mga arkdyosis at diyosesis sa Pilipinas, hinikayat ng CBCP ang mga kaparian na dasalin pagkatapos ng bawat misa ang lumang panalangin kay San Miguel Arkanghel na isinulat ni Leo XIII noong 1896 sa gitna ng “many situations of trouble and conflict” na dinaranas ng bansa.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng CBCP, ang nasabing dasal ay talagang “very timely” dahil sa mga nagdaang kalamidad at dahil sa lumalalang katiwalian sa pamahalaan.

“Through this prayer, we invoke St. Michael to defend us and our country against the wickedness and snares of the evil one,” ani Palma.

“Michael – which means, “Who is like God” – will win over all the evil attempts to disfigure the face of mankind because God Who is stronger acts in him,” dagdag pa nito.

Panalangin kay San Miguel Arkanghel:

st michael

“San Miguel Arkanghel, ampunin mo kami sa labanan at maging bantay ka nawa namin sa kalupitan at sa mga silo ng demonyo. Sugpuin nawa siya ng Diyos, na ipinagmamakaawa namin sa iyo, at ikaw, Prinsipe ng mga Hukbo sa Langit, sa kapangyarihan ng Diyos, ibulid mo sa kailaliman ng impiyerno, si Satanas at ang lahat ng malulupit na espiritu, na gumagala sa sanlibutan at nagpapahamak sa mga kaluluwa.
Siya Nawa.”

 

You May Also Like