PSE pumangatlo sa buong mundo

Pumangatlo ang Philippine Stock Exchange (PSE) sa mga mahuhusay na pandaigdigang market, ayon sa report ng World Federation of Exchanges (WFE).

Ayon sa pinakabagong report na “2012 Market Highlights” ng WFE, pumapangatlo ang Pilipinas sa 50 pang stock exchanges sa buong mundo kasunod lang ng Turkey at Thailand. Ito ay pagkatapos magtala ang PSE ng 38.9 percent na pagtaas sa market nitong nakaraang taon.

“Ito ay isang patunay sa sinasabi namin na ang Pilipinas ngayon ay kasali na sa global radar para sa puwedeng pamumuhunan ng iba’ti bang kumpanya, at patunay ito na karapat-dapat tayo para dito,” ani PSE President at CEO Hans B. Sicat.
Binanggit rin nito na sa lahat ng mga nangungunang stock exchange noong 2011, ang PSE lamang ang nakabalik sa taas ng listahan sa taong 2012. Ito’y isang patunay na ang market ng Pilipinas ay isa sa pinakamalaking potensyal.

You May Also Like