Pro-abortion conference prinotesta

PASAY City — Hawak ang mga rosaryo, nagprotesta ang ilang Katolikong grupo sa harap ng Philippine International Convention Center (PICC) noong Enero 21 laban sa isang pagpupulong na ginaganap ngayon sa bansa na lantarang itinataguyod ang aborsyon.

Nagsama ang mga rallyistang lola, teenager at bata noong Enero 21 sa harap ng Philippine International Convention Center (PICC) laban sa isang regional conference na nais isulong ang reproductive rights agenda, kabilang na rito ang aborsyon.
Nagsama ang mga rallyistang lola, teenager at bata noong Enero 21 sa harap ng Philippine International Convention Center (PICC) laban sa isang regional conference na nais isulong ang reproductive rights agenda, kabilang na rito ang aborsyon.

“Linilinlang ng [mga conference organizers] ang publiko. Ang pagpupulong nila ay walang iba kung hindi isang pro-abortion conference na nagkukunwaring isang siyentipikong panayam,” ani Lorna Melegrito, executive director of Pro-Life Philippines, isa sa mga grupong nanguna sa nasabing pagkikilos kung saan nagdasal ang mga rallyista ng rosaryo sa harap ng PICC, ang paggaganapan ng 7th Asia Pacific Conference on Reproductive and Sexual Health and Rights (APCRSHR).

Dagdag pa ni Melegrito sa isang panayam, “Nakapanlulumo na ang mga taong ito ay nangahas pang pag-usapan nang basta-basta ang isang napakasensitibong paksa tulad ng aborsyon…Maghahanap pa sila ng mas bago at mas ligtas na pamamaraan upang patayin ang buhay sa sinapupunan.”

Ayon kay Melegrito, hindi mapagkakaila ang pro-abortion agenda ng pagpupulong dahil buong pangalawang araw ng programa ay nakalaan para lamang sa usapin ng “post-abortion care”, sa ikatlong araw naman, tatalakayin ang “women seeking safe abortion services”.

Kasama din sa iskedyul ang pagbisita sa mga “sexual and health rights” centers na diumano’y nagsasagawa ng aborsyon o ‘di kaya naman ay mga kilalang tagapagtaguyod ng aborsyon.

Kinumpirma ni Melegrito ang pagdalo ng mga grupong pro-abortion tulad ng International Planned Parenthood, na kinikilala ng Pro-Life Philippines bilang “number one abortion provider in the world”; Women’s Global Network for Reproductive Rights; United Nations Population Fund (UNFPA), binansagang “the architect of China’s one-child policy”; Catholics for Choice, isang grupo na pro-abortion at pro-same sex marriage na naka-base sa U.S.; Marie Stopes International, isa ring grupong nagtataguyod ng aborsyon na may mga tanggapan sa bansa; Asia Safe Abortion Partnership, at marami pang iba.

Tinuligsa din ni Melegrito ang “kahambugan ng mga conference organizers na lumabag sa batas ng bansa na pinapahalagahan ang kasagraduhan ng buhay.”

Kasama sa mga grupong nagprotesta ang Soldiers of Christ, Couples for Christ and Singles for Christ (CFC-SFC), Quiapo Family Life, CFC Las Piñas, Ang Kapatiran, Kilusang Kabataan ni Kristo, Center for Life, Alliance for Family, and Commission on Family and Life ang isang “pagpatay ng lahi”, ang aborsyon.

[Raymond Sebastian]

You May Also Like