Presyo ng petrolyo, pababa nang pababa

Magandang balita sa maraming motorista ang sunud-sunod na pagbaba ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Magandang balita sa maraming motorista ang sunud-sunod na pagbaba ng mga produktong petrolyo sa bansa.

MANILA, PHILIPPINES – Bumaba muli ang presyo ng petrolyo sa ikalimang pagkakataon pagkatapos ng magkakasunod ng pagbaba ng presyo nito sa nakalipas na mga araw.

Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp., Phoenix Petroleum Philippines, Inc., Petron Corp., Eastern Petroleum Corp., Total Philippines, Inc., SEAOIL Philippines, epektibo ng 12:01 kahapon ng umaga, Lunes, bumaba ng 25 sentimo kada litro ang presyo ng Xtra, XCS at Blaze; 55 sentimo naman kada litro ng Turbo Diesel at DieselMax; at 70 sentimo kada litro ng kerosene. Ayon kay Raymond Zorilla, assistant vice-president for external affairs ng Phoenix, ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ay alinsunod sa pandaigdigang kalakalan.

Sinangayunan ni Department of Energy (DoE) Oil Industry Management Bureau director Zenaida Monsada, ang pagbaba ng presyo ay dahil sa may sapat na imbak ng langis. Ayon pa din kay Monsada sa nakalap nilang balita mula sa US Energy Information Administration may labis na langis sa huling imbentoryo ng Amerika. Samantalang, naniniwala naman ang International Energy Agency (IEA) na ito ay bunsod ng mababang pandaigdigang pangangailangan sa langis sa kasalukuyang taon.
Sa kanyang huling text message, sinabi pa ni Monsada na sa pag-aaral ng IEA ang pagbaba sa pangangailangan ng daigdig sa langis ay dahil na din sa pagtitipid ng gobyerno ng Amerika, ang pagbagal ng ekonomiya ng Europa at Tsina.

Sa kabilang banda ang presyo ng langis ng Dubai (Dubai crude) ay nasa $ 105.15 kada bariles noong nakaraang linggo. Ang Dubai crude ay ang batayan ng karamihan ng bansa sa Asya sa kalakalan ng langis at iba pang produktong krudo.

Noong Marso 21, ang huling datos ng presyo ng langis sa pandaigdigang kalakalan ay $123/bariles mula $125/bariles ng diesel, samantala $122/bariles mula $123/bariles ng gasolina. Mula na din sa datos ng DoE, mula Marso 16, ang presyo ng gasolina ay bumagsak ng P48.55/litro mula P54.84/litro, habang ang diesel naman ay P38.80/litro mula P41.74/litro.

Ikinasaya naman ng libo-libong motorista sa buong bansa ang pagbaba ng presyo ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., Phoenix Petroleum Philippines, Inc., Petron Corp., Eastern Petroleum Corp., Total Philippines, Inc., at SEAOIL Philippines, pagkatapos ang pagtaas ng presyo ng petrolyo simula nitong Enero.

You May Also Like