Presyo ng Gasolina bababa bukas

Inanunsiyo ngayon ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation at Petron Corporation tatapyasan nila ng 65 sentimo kada litro ang presyo ng gasolina at diesel simula bukas (Martes) ng umaga.

Pareho rin nilang babawasan ng 45 sentimo kada litro ang presyo ng kerosene.
Ang pagbabagong ito ay resulta ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Ang desisyon ng Petron ay ipapatupad sa ganap na 12:01 a.m., samantalang 6:00 a.m. naman ang Shell.

Inaasahan namang susunod ang ibang kompanya ng langis.

Ang huling pagbaba ng presyo ng ilang produktong petrolyo ay naganap nitong Hunyo 16. (Tapat)

You May Also Like