PNP ‘PERA-PERA’ ANG LABAN

 

ALAM na alam ng mamamayang Pilipino na dati nang talamak ang mga masasamang-loob sa loob ng Philippine National Police (PNP).

Ang mga masasamang-loob na ito ay tinatawag na “police scalawags,” sapagkat pera-pera ang diskarte nila.

Ngunit, ang lubos na ikinadidismaya ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ay ang kaliwa’t kanang iskandalo na kinasasangkutan ng mga police scalawag.

Nagsisimula pa lamang ang iniutos niyang malalimang imbestigasyon hinggil sa pagkidnap at pagpatay kay South Korean National Jee Ick Joo ng mga pulis na nakadestino sa Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) sa pangunguna umano ni Senior Police Officer 3 Ricky Sta. Isabel.

Ngunit, idiniin din ni Sta. Isabel ang kanilang pinuno sa AIDG na si Supt. Rafael Dumlao III na siyang pinuno.

Sabi ni Sta. Isabel sa media, si Dumlao ang nag-utos sa kanila na dukutin at patayin si Jee.

Aniya, mayroon siyang ebidensya laban kay Dumlao.

Ang tinutukoy ni Sta. Isabel ay si Senior Supt. Rafael Dumlao III.

Itinanggi ni Dumlao ang paratang.

Gamit, ang operasyon ‘tokhang,’ Si Jee ay dinukot sa kanilang bahay sa Angeles City noong Oktubre 18 ng pangkat ni Sta. Isabel.

Dinala si Jee sa Camp Crame, sa compound ng AIDG, na malapit sa opisina at opisyal na bahay ni Dela Rosa, ang “White House.”

Noong Oktubre 18 din pinatay si Jee sa pamamagitan ng pagsakal sa kanya ni Sta. Isabel.

Tinawagan ni Sta. Isabel ang isang “Ding” upang sa Gream Funeral Services na kanyang pag-aari i-embalsa ang bangkay ng biktima.

P30,000 cash at golf set ang bayad ni Sta. Isabel kay Ding.

Kahit patay na, nakakuha pa ang mga kidnapper ng P5 Milyon mula sa asawa ni Jee noong Oktubre 31, kaya tinawag na “tokhang-for-kidnapping” ang lakad nina Sta. Isabel.

Napag-alaman na ang binabanggit na Ding ay si retiradong SPO2 Gerardo Gregorio “Ding” Santiago.

Si Santiago rin ang kapitan ng Barangay Bagbaguin sa Caloocan City.

Ayon sa sources, nasangkot na sa kidnapping si Santiago noong nakadestino pa siya sa Northern Police District (NPD).

Si Sta. Isabel din ay nakasuhan na ng kidnapping kaugnay sa pagdukot noon kay Mylene Tan.

Naabsuwelto si Sta. Isabel.

Kakukuha pa lang ni Dela Rosa ng impormasyon hinggil sa nangyari kay Jee, ibinunyag naman ni Teresita Ang-See ng Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO), na bukod kay Jee, mayroon nang 11 insidente ng “tokhang-for-kidnapping” at “tokhang-for-extortion”  na nangyari nitong 2016.

Sabi ni Ang-See, 10 sa labing-isa ay nangyari sa Binondo Manila kung saan panay Intsik ang mga biktima.

Ang isa ay sa Makati City.

Kumita ng milyun-milyon ng mga pulis ng Manila Police District (MPD).

Ang hepe ng MPD ay si Joel “Jigs” Coronel na naging heneral ngayong Enero.

Hindi lang ‘yan—noong Disyembre 30, tatlong South Korean nationals ang dinakip ng 8 pulis-Angeles City sa Friendship Plaza dahil sa illegal gambling.

Ang pulis ay walang warrant of arrest, o search warrant.

Pitong oras nakulong ang mga Koreano nang walang isinampang kaso laban sa kanila.

Ayon sa ulat, kinuha ng mga pulis ang mga alahas, laptaps, golf set, at P10,000 pera.

Napalaya ang 3 Koreano nang magbigay sila ng P100,000 sa mga pulis.

Sinampahan na ng kasong kriminal at administratibo ang walong police scalawags.

Sinibak na rin ang hepe ng Angeles City police na si Supt. Sidney Villaflor dahil sa kasong “command responsibility.”

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like