PNP ‘overtime’ dahil sa Semana Santa, election, graduation

PAGDAGDAG ng oras ng duty o trabaho ang nakikitang solusyon ni Philippine National Police (PNP) Director General Chief Alan Purisima para matugunan ang lahat ng pangangailan ng sambayanang Pilipino ngayong halos magkakasunod ang aktibidad sa bansa.

Ayon kay Purisima, mula sa walong oras na duty ng bawat PNP sa buong kapuluan magiging 12 oras ito o higit pa.
“Dito po kasi ‘pag dating ng Semana Santa,‘yun pong mga lugar pagsasakyan ng ating mga kababayan pauwi sa kanilang probinsya ay binabantayan natin. Pero binabantayan po natin ‘yung mga naiiwan po nilang mga kabahayan dito sa Metro Manila,” pahayag ni Purisima.

Asahan din aniya na maraming makakakita ang presensya ng kapulisan sa mga pantalan, terminal, airport, paaralan,mga lansangan at iba pa, ganun din ang paglalagay ng mga help desk ng PNP sa mga matataong lugar para sa agarang tugon.
Dagdag ni Purisima na kanilang tiniyak na matutugunan ang pangangailangan ng publiko sa panahon ngayon na kaliwat kanan ang graduation at outing; idagdag pa ang nalalapit na paggunita ng Semana Santa ng Simbahang Katoliko higit ang election sa buwan ng Mayo.

You May Also Like