PNP, Marami ring Adik

 

Ni: Denz Laguipo

 

AMINADO ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na maging ang ahensiyang ito na itinuturing na taga-pagpatupad ng batas laban sa iligal na droga ay napasok ng problemang ito ng bansa.

Ani Senior Supt. Dionardo Carlos, taga-pagsalita ng PNP, 97 kasapi ng PNP ang nagpositbo sa drug test na inilunsad ng PNP.

Senior Supt. DIONARDO CARLOS
Senior Supt. DIONARDO CARLOS

Ani Carlos, 91 ang pulis sa 97 at anim ang sibilyang empleydo ng PNP.

Ang 97 ay nagpositibo sa drug test, ani Carlos.

Isasalang sa confirmatory test ang resulta ng drug test upang maipirmes kung totoo ang resulta ng drug test, patuloy ni Carlos.

Tiniyak ni Carlos na sisibakin sa PNP ang 97 kung sila ay magiging positibo pa rin sa confirmatory test.

Ang 97 ay bahagi ng 135,393 kabuuang miyembro ng PNP na isinalang na sa drug test.

Ang test ay inilunsad batay sa utos ni Director General Ronald dela Rosa, hepe ng PNP.

Sabi dati ni Dela Rosa, kung ang PNP ay instrumento sa paglilinis ng talamak na droga sa bansa, kailangang malinis din ito mula sa nasabing sakit ng lipunan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like