PNoy, nangangampanya sa kabila ng gulo sa Sabah?

Team PNoy 2

Muli na namang pinasaringan ni Zambales Rep. Milagros “Mitos” Magsaysay si Pangulong Benigno Aquino III matapos nitong unahin ang pangangampanya sa kanyang ‘Team PNoy’ sa kabila ng gulo na naaganap sa bansang Malaysia, partikular sa Sabah kung saan nasasangkot ang ilang Pilipinong Muslim.

Ani Magsaysay, “Dapat mamili si PNoy kung ano ba talaga ang priority niya, patakbuhin ang bansa o maging campaign manager ng Team PNoy. Ano ang mas importante?” Ito ay matapos unahin ng pangulo ang kampanyang ‘Team PNoy’ sa Pampanga, ang tinaguriang balwarte ng mga Arroyo.

Isiniwalat naman ni senatoriable Nancy Binay na naiwasan sana ang nangyaring gulo sa Sabah kung binigyan pansin lamang ni PNoy ang liham ni Sultan Jamalul Kiram III na ipinadala kay Aquino noong 2010 patungkol sa pagaako ng karapatan ng Sultanate ng Sulu sa Sabah.

Ayon pa kay Binay, sa kalagitnaan ng gulo binanggit ni, Kirama ang tungkol sa sulat, ngunit wala diumano itong natanggap na kasagutan mula sa pangulo. Inamin naman ng pangulo na ang liham ay nawala sa dami ng kanyang papeles.

Ayon pa kay Magsaysay, kandidato ng UNA sa pagka-senador, dapat inuna ng pangulo ang isyu sa Sabah at sinabing kaya naman ng kanyang mga kandidato ang kanilang mga sarili kaysa balewalain ang buhay ng mga Pilipinong nakasalalay.
Kinumpirma naman ng mga otoridad ng Malaysia na 12 Pilipino na ang namatay sa nangyaring putukan kamakailan.
Dagdag pa ni Magsaysay,

“So ngayon, ang tanong ng mga Muslim kay PNoy: kanino ka ba talaga? Are you working for the Malaysian interest or the Filipinos’ interests?”

You May Also Like