PNoy allies umaalma sa pagkakasabit sa pork scam

The late activist and comedian Tado Jimenez joins some protesting bikers at the  ‘EDSA Tayo’ anti-pork barrel protest on September 11, 2013. (File photo)
The late activist and comedian Tado Jimenez joins some protesting bikers at the
‘EDSA Tayo’ anti-pork barrel protest on September 11, 2013. (File photo)

MANILA — Tatlong mambabatas ng Kamara na kaalyado in pangulong Benigno Aquino III ang dumepensa sa isang news briefing na hindi sila diumano sangkot sa multi-milyong pork barrel scam at tinangging nakipagtransaksyon sila kay Janet Lim-Napoles.

Kabilang si Rep. Reynaldo Umali ng Oriental Mindoro na umamin na minsan nang nagbigay ng kanyang Priority Development Assistance Funds (PDAF) sa isang NGO ni Napoles, ngunit sinabing hindi niya alam na bogus pala ang operasyon ng NGO ni Napoles.
Kapwa tinanggi naman nila Rep. Giorgidi Aggabao ng Isabela at Rep. Sonny Collantes ng Batangas na nakipagtransaksyon sila kay Janet Lim-Napoles. Ang tatlo ay mga kaalyado ng pangulo.

Sa pagkakadawit ni Umali sa tinaguriang ‘Napolist’ inamin nitong nakapaglagak siya ng humigit kumulang 1.5 milyong piso sa Kaupdanan para sa Mangunguma Foundation Inc., na kabilang sa mga NGO ni Napoles at sinabing napunta naman sa dapat patunguhan ang pondo.

“Hindi ko tinatangi na may P1.5 milyon na proyekto pero hindi ko [ito] PDAF bagkus ay ‘organic agriculture fund’ ng Department of Agriculture na nailagak sa NGO ni Napoles. Kasi hindi ko naman alam na Napoles NGO yun,” paliwanag ni Umali.

Dagdag ni Umali, “Napatunayan naman na natanggap ng ating mga nasasakupan na kababayan ang mga kalakal.”

Samantala, nagpahayag naman ng pangamba si pangulong Aquino sa kumpletong affidavit mula kay Napoles na napabalitang ilalabas sa mga susunod na araw. Nakasaad diumano sa naturang affidavit ang karagdagang mga pangalan na sangkot sa pork scam.
Ani Aquino sa mga reporters matapos magsalita sa ginanap na conference sa Legaspi City, “Sa mga balita, sinabi ng kanyang lawyer na magdadagdag ng mga pangalan ng mga sangkot , hindi ako sigurado kung may matatanggal na pangalan. Sa huli, inaasahan ba natin na totoo lahat ang nanggagaling sa kanya?”

Kampante naman ang palasyo na hindi isasabit ni Napoles si pangulong Aquino.

Sinabi ni secretary Herminio Coloma Jr., hepe ng Presidential Communication Operations Office (PCOO), na patuloy ang paghahangad ng opisina ng pangulo na lumabas ang katotohanan.

“Nananatili ng ating pokus sa paghahangad ng katotohanan at hustisya kahit pa ano ang gustong gawin ng ilang indibidwal,” ani Coloma.

You May Also Like

  • Ineneligtlce and simplicity – easy to understand how you think.