PISTON kay Tugade: Linisin ang DOTC

MANILA – Nanawagan ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) sa magiging bagong kalihim ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na tiyaking malilinis ang kagawaran mula sa korapsyon at pandarambong.

Ang DOTC ay batbat ng kontrobersya nitong nakalipas na anim na taon dulot ng mga kuwestiyonable at kaduda-dudang mga kontrata at proyekto.

Ayon kay George San Mateo, pangulo ng PISTON, sana matiyak ni incoming Secretary Arthur Tugade na hindi na magaganap ang korapsyon at pandarambong sa DOTC at mga ahensiyang nasa ilalim nito, tulad ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation and Franchising Board (LTFRB), sa ilalim ng administrasyong Duterte.

“Dapat ang lahat ng kontrata at proyekto ay dumaan sa tamang proseso at bukas sa publiko,” saad ni San Mateo.

Makailang ulit na ring idiniin ni San Mateo sa media na “talamak” at “laganap” ang korapsyon at pandarambong sa DOTC, LTO, at LTFRB.

Ang korapsyon at pandarambong ay parehong tipo ng pagnanakaw ng pondo o pera ng pamahalaan, o pinagkakakitaanang proyekto o kontrata ng pamahalaan sa pribadong sektor.

Sa madaling salita, may kinalaman sa kaso ang dalawang nabanggit na krimen.

Ang pagkakaib alamang ng dalawa ay ang halaga.

Kapag sinabing korapsyon, hindi tataas sa P50 milyon ang perang hinuthot. Ang lalampas sa nabanggit na halaga ay pandarambong na ang tawag.

Ang binabanggit ng pinuno ng PISTON ay hindi paninira dahil “public knowledge” ito.

Ibigsabihin, napakaramingtsuper at operator angnaniniwalangbusognabusogsakorapsyon at pandarambong ang DOTC, LTO, at LTFRB.

Kahit si incoming President Rodrigo Duterte ay hinusgahan nitong mga nakalipas na araw na matindi ang korapsiyon sa mga ahensiyang nasa ilalim ng DOTC.

Ilan sa mga ‘mainit’ na proyekto ng DOTC ay ang higit P30 bilyong plaka na hindi dumaan sa subasta, $1.5 milyong ibabayad sana buwan buwan sa kompanyang magmimintina ng MRT nang hindi rin dumaan sa subasta, at ang “phase-out program” ng mga jeep.

Si Tugade ang pinilini Duterte na humawak ng DOTC.

Papalitan niya si Sec. Joseph Emilio Abaya, kaibigan ni Manuel “Mar” Roxas at pangulo ng LP.

Matagal nang magkaibigan sina Duterte at Tugade.

Ang dalawa ay parehong nagtapos ng abogasya sa San Beda College of Law sa Maynila.

Si Duterte ay natapos noong 1972. At si Tugade naman ay noong 1971, kung saan siya ay valedictorian.

Nag-resign si Tugade bilang pangulo at chief executive officer (CEO) ng Clark Development Corporation (CDC) nitong Abril upang maging bahagi ng makinarya ng kampanya ni Duterte sa pagkapangulo ng Pilipinas.

Ayon sau lat, mas pinili ni Tugade na umalis na lamang sa CDC kaysa suportahan niya ang manok ng administrasyong Aquino at ng Liberal Party (LP) sa pagkapangulo na hindi naman niya kursunada.

Umaasa ang PISTON na hindi mauulit ang mga kuwestiyonableng proyekto sa LTO, LTFRB, at MRT sapamumuno ni Tugade sa DOTC. (Tapat)

You May Also Like

  • Dear incoming secretary art tugade: my solution to our monstrous traffic is very simple, smart doable and can can be applied now with your emergency powers. Between 6 am to 12 noon only vehicles ending even should use the rd. Between 1 pm ro 7 pm only vehicles ending odd plates should use the rd. And vice versa as athe case maybe with no exemption private or public at that. We have to sacrificed carless half of the day . Instantly we save billions, instantly less traffic, instantly more time with our love ones. We never tried this scheme yet. Why not carpool with co workers to
    impliment this program. When things are already fix then go back to normal traffic scheme. We never tried it yet . Please please try..

  • James P. Javier

    Dear Secretary Arthur Tugade I have made a draft concern to some proposal solutions on how we can reduce heavy traffic in Metropolitan. The only things first I want as of now I need your email add so that I can send directly to you. My first plan before I have to send this to local officials then they will send it to you but I have change my mind because it maybe will not reach in your office, hoping for your kind consideration and action.
    Respectfully yours
    James Javier
    09173548525