Pinoy Boxer, IBF Champion na Naman!

 

Ni: Marites Badilla

 

MAHIGIT isang linggo pa lang nang maging kampeon ang boksingerong Pilipino na si Jerwin Ancajas sa International Boxing Federation (IBF), heto na naman ang panibagong kampeon sa IBF na si Johnriel Casimero.

Ayon sa balitang ipinarating sa Pilipinas, matagumpay na nadepensahan ni Casimero ang kanyang titulo bilang kampeon ng IBF flyweight division.

Nanalo si Casimero laban kay Charlie Edwards nitong Sabado ng gabi (Linggo sa Maynila) sa O2 Arena sa London, United Kingdom.

Sa una pa lang kitang-kita na, na magwawagi ang 26-taong-gulang na boksingerong Pilipino

laban kay Edwards, sapagkat tiniyak ni Casimero na siya ang dominante at kontrolado niya ang laban mula simula hangang tapusin ng boksingerong Pilipino ang laban sa 10th round.

Sa nasabing laban, pinakita ni Casimero na kailangan pa ni Edwards ng maraming ensayo upang gumanda ang laban sa susunod.

Bagsak si Edward sa ika-10 round dahil sa matinding left hook ni Casimero, ngunit tumayo uli si Edwards.

Kaso, pinatigil na ng referee ang laban nang makita niyang wala nang itatagal si Edwards.

Dahil dito, idineklarang panalo si Casimero.

Ang panalo ay nagbigay kay Casimero ng rekord na 23-3 kasama na ang 15 na kanyang pinabagsak sa mga nakalipas na laban, samantalang si Edwards ay mayroong 8-1 na may 3 napabagsak.

Ibig sabihin, nakatikim si Edwards ng kauna-unahan talo—at iyan ay sa boksingerong Pilipino na si Johnriel Casimero.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like